Pagiging “smugglers of faith” ng mga Pilipino, pinuri ni Cardinal David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 43,736 total views

Ikinatuwa ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David ang patuloy na pagyabong ng pananampalataya ng mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng daigdig, partikular sa Europa, kasunod ng kanyang pagbisita sa Belgium.

Pinangunahan ng kardinal ang mga banal na misa sa magkakahiwalay na Filipino communities sa Ghent at Brussels, kung saan nasaksihan ang aktibo at buhay na pakikilahok ng mga migranteng Pilipino sa liturhiya at mga gawain ng simbahan.

Binisita rin ni Cardinal David ang lungsod ng Ghent—makasaysayang pook na minsang namalagi si Jose Rizal at kung saan inilimbag ang El Filibusterismo noong 1891, bago tumungo sa isang komunidad sa Brussels na binubuo ng mga Pilipinong manggagawa at kanilang pamilya.

Pinuri ng obispo ang masigla at masayang paglilingkod ng mga Pilipino sa iba’t ibang parish ministries, na patunay sa bansag ni noo’y Pope Francis sa mga Filipino migrants bilang contrabandistas de la fe o “smugglers of the faith.”

“Quietly, patiently, almost unnoticed, the faith crosses borders—not in books or documents alone, but in lives of service,” pahayag ni Cardinal David

Inihayag ng Cardinal na ang pananampalataya ay naipapamana sa pamamagitan ng awit sa sariling wika, mga batang dinadala sa simbahan, at mga kamay na marunong magdasal sa kabila ng mabibigat na gawain.

Ayon sa kardinal, sa kabila ng malamig na klima at banyagang kapaligiran, pinaiinit ng mga Pilipinong mananampalataya ang mga simbahan sa Europa sa pamamagitan ng kanilang presensiya, awit, at aktibong pakikilahok sa banal na misa.

Dagdag pa niya, ang bansag na “smugglers of the faith” ay sumasalamin sa tahimik ngunit makapangyarihang impluwensiya ng mga Pilipino sa mga bansang kanilang pinaglilingkuran.

“A living Church carried in the hearts of migrants who refuse to leave their faith behind,” ani ng kardinal.

Pinuri at pinasalamatan ni Cardinal David ang mga Pilipino sa ibayong-dagat na sa kabila ng pagsusumikap upang itaguyod ang kanilang pamilya, ay nananatiling tapat sa kanilang misyon bilang mga binyagang Kristiyano.

“Their hands—rough, calloused, and weathered—tell stories of labor done faithfully and often quietly,” dagdag ni Cardinal David.

Sa huli, iginiit ng kardinal na sa aktibong pakikilahok ng mga migranteng Pilipino sa buhay-simbahan sa iba’t ibang bansa, patuloy na naipamamahagi at napagyayabong ang pananampalatayang inihasik ng mga misyonero sa Pilipinas mahigit limang siglo na ang nakalilipas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bantay ng bayan

 27,468 total views

 27,468 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 112,227 total views

 112,227 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 129,963 total views

 129,963 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 175,394 total views

 175,394 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top