Basura, isang lifestyle problem-Archbishop Uy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,864 total reads

The real solution to the garbage problem is not in machines. It is in changing habits.

Ito ang binigyang-diin ni Cebu Archbishop Alberto Uy sa kanyang pastoral appeal hinggil sa responsableng pamamahala ng basura sa Cebu City.

Bagama’t sinusuportahan ng arsobispo ang mga inisyatibo ng Pamahalaang Lungsod ng Cebu sa pagtugon sa lumalalang suliranin sa basura, iginiit niyang hindi ito magiging sapat hangga’t hindi nababago ang nakasanyang gawi ng mga mamamayan.

“No technology, no equipment, no landfill, no budget will ever be enough if our daily habits remain the same. Because garbage is not first a city problem. Garbage is a lifestyle problem,” pahayag ni Archbishop Uy.

Ayon kay Archbishop Uy, karamihan sa mga basurang nagkalat sa mga lansangan ay nagmumula mismo sa mga tahanan, kaya mahalagang doon pa lamang ay masimulan na ang wastong paghihiwalay at pamamahala ng basura.

Aniya, ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi lamang usaping panlipunan, kundi isang pananagutang moral at espiritwal bilang paggalang sa sangnilikhang ipinagkatiwala ng Diyos sa sangkatauhan, hindi upang abusihin, kundi alagaan at pagyabungin.

“We are not owners of this earth. We are stewards. To throw garbage irresponsibly is not only bad citizenship. It is poor stewardship. It is forgetting that God entrusted this beautiful island of Cebu to our care. Caring for the environment is not optional for Christians. It is part of our faith,” ayon kay Archbishop Uy.

Ibinagi rin ng arsobispo na bukod sa wastong segregasyon ng basura sa tahanan, mahalagi ring isabuhay ang pagbawas sa paggamit ng single-use plastics, muling paggamit ng mga bagay na maaari pang pakinabangan, composting o pagbaon ng mga basurang nabubulok, at pagdidisiplina sa mga bata hinggil sa wastong pagtatapon ng basura.

Hinikayat din ni Archbishop Uy ang mga parokya, paaralan, religious communities, at mga organisasyon na maging huwaran sa disiplina at pananagutan sa pangangalaga ng kalikasan.

“I humbly ask every Cebuano Catholic: Do not wait for the government to solve this problem for you. Be part of the solution. Because the cleaner Cebu we desire will not come from machines. It will come from changed hearts and changed habits,” panawagan ni Archbishop Uy.

Umaasa naman ang arsobispo na nawa’y maipakita ng bawat isa ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng konkretong pangangalaga sa kalikasan upang maipamana sa mga susunod na henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 128,783 total reads

 128,783 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 162,112 total reads

 162,112 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 194,256 total reads

 194,256 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 260,319 total reads

 260,319 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 271,235 total reads

 271,235 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 122,918 total reads

 122,918 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top