Pagiging “smugglers of faith” ng mga Pilipino, pinuri ni Cardinal David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 43,955 total reads

Ikinatuwa ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David ang patuloy na pagyabong ng pananampalataya ng mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng daigdig, partikular sa Europa, kasunod ng kanyang pagbisita sa Belgium.

Pinangunahan ng kardinal ang mga banal na misa sa magkakahiwalay na Filipino communities sa Ghent at Brussels, kung saan nasaksihan ang aktibo at buhay na pakikilahok ng mga migranteng Pilipino sa liturhiya at mga gawain ng simbahan.

Binisita rin ni Cardinal David ang lungsod ng Ghent—makasaysayang pook na minsang namalagi si Jose Rizal at kung saan inilimbag ang El Filibusterismo noong 1891, bago tumungo sa isang komunidad sa Brussels na binubuo ng mga Pilipinong manggagawa at kanilang pamilya.

Pinuri ng obispo ang masigla at masayang paglilingkod ng mga Pilipino sa iba’t ibang parish ministries, na patunay sa bansag ni noo’y Pope Francis sa mga Filipino migrants bilang contrabandistas de la fe o “smugglers of the faith.”

“Quietly, patiently, almost unnoticed, the faith crosses borders—not in books or documents alone, but in lives of service,” pahayag ni Cardinal David

Inihayag ng Cardinal na ang pananampalataya ay naipapamana sa pamamagitan ng awit sa sariling wika, mga batang dinadala sa simbahan, at mga kamay na marunong magdasal sa kabila ng mabibigat na gawain.

Ayon sa kardinal, sa kabila ng malamig na klima at banyagang kapaligiran, pinaiinit ng mga Pilipinong mananampalataya ang mga simbahan sa Europa sa pamamagitan ng kanilang presensiya, awit, at aktibong pakikilahok sa banal na misa.

Dagdag pa niya, ang bansag na “smugglers of the faith” ay sumasalamin sa tahimik ngunit makapangyarihang impluwensiya ng mga Pilipino sa mga bansang kanilang pinaglilingkuran.

“A living Church carried in the hearts of migrants who refuse to leave their faith behind,” ani ng kardinal.

Pinuri at pinasalamatan ni Cardinal David ang mga Pilipino sa ibayong-dagat na sa kabila ng pagsusumikap upang itaguyod ang kanilang pamilya, ay nananatiling tapat sa kanilang misyon bilang mga binyagang Kristiyano.

“Their hands—rough, calloused, and weathered—tell stories of labor done faithfully and often quietly,” dagdag ni Cardinal David.

Sa huli, iginiit ng kardinal na sa aktibong pakikilahok ng mga migranteng Pilipino sa buhay-simbahan sa iba’t ibang bansa, patuloy na naipamamahagi at napagyayabong ang pananampalatayang inihasik ng mga misyonero sa Pilipinas mahigit limang siglo na ang nakalilipas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 14,087 total reads

 14,087 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 74,584 total reads

 74,584 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 96,150 total reads

 96,150 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 176,805 total reads

 176,805 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 277,767 total reads

 277,767 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top