Pangangailangan ng Pilipinas sa social action, kinilala ng Papal Nuncio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,102 total reads

Iginiit ni Archbishop Charles Brown, Apostolic Nuncio sa Pilipinas, na ang gawaing panlipunan ng Simbahan ay hindi lamang karagdagang misyon kundi nasa pinakapuso ng pagpapahayag ng Ebanghelyo.

Sa kanyang homiliya sa pagtatapos ng National Social Action General Assembly (NASAGA 2026), pinuri ng nuncio ang mga pari, madre, at laykong naglilingkod sa social action ministry dahil sa kanilang konkretong pagsasabuhay ng misyon ng Simbahan.

“What you are doing is at the center of the Church, the heart of the Church’s outreach—especially to the poor and the marginalized,” ayon kay Archbishop Brown.
Sa pagninilay sa Ebanghelyo tungkol sa pagsusugo ni Hesus sa Labindalawang Apostol, binigyang-diin ng nuncio ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos sa gawain ng Simbahan.

Aniya, malinaw sa Ebanghelyo na hindi isinugo ni Kristo ang mga alagad nang nag-iisa kundi dala-dalawa, tanda ng sama-samang paglalakbay sa misyon.

Ipinaliwanag pa ng opisyal ng Vatican na ang ganitong diwa ng pagkilos ay naaayon sa synodality, isang proseso ng sama-samang pakikinig, paglalakbay, at pagpapasya ng Simbahan.

“A solitary Christian is no Christian… If we are going to move forward, we must always move forward in a synodal fashion—together on the way,” dagdag ng nuncio.
Kinilala rin ni Archbishop Brown ang matinding pangangailangan ng bansa para sa social action, lalo na sa harap ng patuloy na hamon ng kahirapan, katiwalian, kakulangan sa edukasyon, at malnutrisyon.

Hinamon niya ang mga kalahok ng NASAGA na yakapin ang diwa ng metanoia o pagbabago ng pag-iisip bilang mahalagang bahagi ng misyon.

“There is such a crying need in the Philippines for social action… Metanoia means to change your mind, to open yourselves to new ways of thinking… The problems are perennial—corruption, poverty, exclusion—but we need fresh and creative solutions,” ani Archbishop Brown.

Bagama’t kinilala niyang hindi madali ang pagbabagong tumutugon sa mga sistemikong suliranin ng lipunan, binigyang-diin ng nuncio ang kahalagahan ng agarang pagtulong at paglingap sa mga indibidwal na nangangailangan, isang konkretong ginagawa ng mga social action ministry.

Sa pagtatapos ng kanyang homiliya, pinasalamatan ng nuncio ang mga social action workers sa buong bansa at tiniyak ang patuloy na suporta ng Simbahan at ng Santo Papa sa kanilang misyon.

“Wherever I go in the Philippines—from Batanes to Jolo—I see the great work of the Church’s social action,” ayon kay Archbishop Brown.

Dumalo sa pagtitipon na ginanap sa Mother of Grace Convention Center sa Tagaytay City ang humigit-kumulang 500 delegado mula sa iba’t ibang social action centers ng 85 ecclesiastical jurisdictions sa buong bansa.

Kasabay ng pagtitipon ang panunumpa sa katungkulan ni Bishop Gerardo Alminaza bilang bagong pangulo ng Caritas Philippines, ang advocacy at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 3,648 total reads

 3,648 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 40,442 total reads

 40,442 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 76,081 total reads

 76,081 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 129,700 total reads

 129,700 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 191,399 total reads

 191,399 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top