Huwag talikuran ang umiiral na kasunduang kapayapaan, panawagan ni Pope Leo sa international community

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,091 total views

Mariing nanawagan si Pope Leo XIV sa mga bansa na huwag talikuran ang mga umiiral na kasunduan para sa kapayapaan at disarmament, kasabay ng panawagan ng panalangin at konkretong pagkilos para sa mga mamamayang patuloy na nagdurusa sa digmaan sa Ukraine.

Ito ang binigyang-diin ng Santo Papa kaugnay ng nalalapit na pagwawakas ng New START Treaty, ang kasunduang nilagdaan noong 2010 ng Amerika at Russian Federation na naglalayong pigilan ang pagdami ng sandatang nukleyar.

“In renewing my encouragement for every constructive effort in favour of disarmament and mutual trust, I urgently call for this instrument not to be abandoned without seeking to ensure its concrete and effective follow-up,” ayon kay Pope Leo XIV.

Nagbabala rin ang punong pastol ng Simbahang Katolika laban sa banta ng panibagong kaguluhan na lalo lamang magpapalala sa kawalan ng kapayapaan sa daigdig.

“The current situation requires that everything possible be done to avert a new arms race that would further threaten peace among nations,” dagdag pa ng santo papa.

Patuloy ding inalala ng Santo Papa ang kalagayan ng mamamayan ng Ukraine na nananatiling dumaranas ng matinding paghihirap bunsod ng nagpapatuloy na digmaan, lalo’t muling tinatamaan ng mga pag-atake ang mahahalagang pasilidad ng enerhiya sa gitna ng matinding lamig ng panahon.

“I urge everyone to support with prayer our brothers and sisters in Ukraine, who are being severely tested by the consequences of the bombings which have resumed, also striking energy infrastructure,” ani Pope Leo XIV.

Nagpahayag din ang Santo Papa ng pasasalamat sa mga diyosesis lalo na sa Poland at iba pang bansa na aktibong nagpapakita ng pagkakaisa at malasakit sa pamamagitan ng mga inisyatibong tumutulong sa mga apektadong komunidad.

Binigyang-diin ng Santo Papa ang pangangailangang palitan ang kultura ng takot at kawalan ng tiwala ng mga hakbang na nakatuon sa kabutihang panlahat.

Aniya, higit kailanman ay mahalagang pahalagahan at pangalagaan ang kapayapaan bilang isang kayamanang dapat ingatan ng lahat, alinsunod sa panawagang magbuklod bilang iisang sambayanang ginagabayan ng pag-ibig ng Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 59,454 total views

 59,454 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 134,068 total views

 134,068 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 214,147 total views

 214,147 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 257,286 total views

 257,286 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 254,845 total views

 254,845 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top