“In Samuel, our bishop, we have seen the face of God.”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,690 total reads

Ito ang binigyang-diin ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa homiliya sa pagluklok kay Bishop Samuel Agcaracar, SVD, bilang ikalimang obispo ng Diocese of San Jose, Nueva Ecija.

Ayon sa arsobispo ito rin ay isang malinaw na panawagan ng pagbabalik-loob kaakibat ang pagpapadama ng awa at paghilom sa pamayanan.

“Bishop Sam comes to the church in San Jose carrying the gospel of repentance, but also carrying the gift of forgiveness.
Carrying the prophecy of conversion, but also carrying the prophecy of healing. Because in this repentance and in this healing, all of us may be one in Christ,” ayon kay Archbishop Villegas.

Ayon pa sa arsobispo na ang pagtatalaga kay Bishop Agcaracar ay hindi lamang bunga ng pagkakataon kundi malinaw na kalooban ng Diyos.

Binigyang-diin ni Archbishop Villegas na bago pa likhain ng Diyos ang sanlibutan, alam na Niya ang misyong ipinagkatiwala sa batang Samuel mula Claveria, na maging isang pastol na handog ng Diyos sa Simbahan ng San Jose.

Inilarawan ng arsobispo ang kalagayan ng lalawigan bilang “mayaman at sagana,” ngunit “uhaw sa kahulugan, layunin, at sa Diyos.”

“San Jose is rich and abundant, but it is also thirsting for meaning, for purpose, and for God—and God comes to us as a bishop; in our new shepherd, Samuel
Agaragar, SVD,” dagdag pa ng arsobispo.

Inihalintulad ni Archbishop Villegas ang pangalan at misyon ni Bishop Agcaracar sa propetang si Samuel sa Lumang Tipan, ang propetang nagbuklod sa Israel sa pamamagitan ng matapang na panawagan sa pagsisisi.

“Sin divides, but repentance unites all of us. There can be no sense of unity without the virtue of humility,” giit nf arsobispo.

Gayunman, iginiit ng arsobispo na ang pagsisisi ay hindi maaaring ihiwalay sa pagpapagaling at kapatawaran.

Ibinahagi ni Archbishop Villegas ang isang kuwento ng batang may malubhang karamdaman na hindi natakot sa kamatayan dahil nakita nito ang mukha ng Diyos sa kanyang pari kung saan inihalintulad at hamon din ng arsobispo sa bagong obispo ng San Jose na makita ng mahigit kalahating milyong katolikong ipapastol ang mukha ng Diyos kay Bishop Agcaracar.

“If God is like you, we will not be afraid to repent; we will not hesitate to receive forgiveness,” saad ni Archbishop Villegas.

Umaasa si Archbishop Villegas na sa paglipas ng panahon, kapag hindi na mababanggit ang pangalan ni Bishop Samuel sa mga pagdiriwang ng banal na misa ng diyosesis ay patuloy itong maalaala ng pamayanan ng San Jose bilang isang banal na obispo, isang pastol na nag-anyaya sa pagsisisi, nagkaloob ng awa, at nagbuklod sa bayan kay Kristo.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklol kay Bishop Agcaracar sa St. Joseph the Worker Cathedral sa San Jose City katuwang si Archbishop Villegas at sinaksihan ng mga obispo, pari, relihiyoso, mga opisyal ng lokal na pamahalaan, at pamayanan ng diyosesis.

Magiging katuwang ni Bishop Agcaracar sa misyon ang 41 mga pari sa 22 mga parokya, at apat na mission stations.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 120,912 total reads

 120,912 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 154,241 total reads

 154,241 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 186,385 total reads

 186,385 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 252,448 total reads

 252,448 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 263,936 total reads

 263,936 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top