Pangangalaga sa maysakit, kolektibong misyon ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,344 total reads

Iginiit ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na ang pangangalaga sa mga may sakit ay hindi lamang tungkulin ng mga manggagawang pangkalusugan kundi kolektibong misyon ng Simbahan na nagmumula sa habag at dignidad ng tao.

Ito ang pagninilay ni Archbishop Garcera sa Banal na Misa na kanyang pinangunahan noong February 7, 2026 para sa pagdiriwang ng ika-34 na World Day of the Sick at Jubilee Celebration of Healthcare Professionals and Pastoral Healthcare Workers sa Minor

Basilica of the Immaculate Conception – Archdiocesan Shrine of Sto. Niño ng Batangan sa Batangas City, Batangas, sa ilalim ng Archdiocese of Lipa.

“Kapag tayong mga doktor, nurses, medical personnel ay naglilingkod sa may sakit, kayo ay nakikibahagi sa gawain ni Kristo. Ang inyong bokasyon ay hindi namang propesyon. Ito ay pakikibahagi sa ministeryo ng pagpapagaling ni Kristo… You become a sacrament of God’s blessing,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Garcera.

Binigyang-diin ng arsobispo ang kahalagahan ng karunungan ng puso sa larangan ng medisina, na karunungang nagmumula sa Diyos at humuhubog sa makatarungan at makataong pagpapasya, malasakit, at paglilingkod.

Paliwanag ni Archbishop Garcera, ang naturang karunungan ay biyaya ng Diyos na tumutulong makita ang tao hindi lamang bilang pasyente kundi taong may dignidad. Ibinahagi rin ng arsobispo ang pagkakaiba ng incurable at uncarable, kasabay ng paalala ni

Papa Leon XIV na ang kawalan ng lunas ay hindi kailanman dapat mangahulugan ng kawalan ng malasakit.

“Incurable is a medical terminology. Uncareable is a spiritual way of our attitude towards the sick… Pakatandaan natin, tayo din ay may care, may pagpapahalaga, sapagat ang bawat isa—may sakit man o may suliranin sa mental health—ay may dignidad bilang tao,” ayon kay Archbishop Garcera.

Bilang bahagi ng Jubilee Celebration, hinamon ni Archbishop Garcera ang mga deboto ng Mahal na Birhen ng Lourdes at mga healthcare workers na palawakin ang kanilang debosyon tungo sa konkretong paglilingkod sa mga may karamdaman.

Aniya, ang tunay na pananampalataya ay isinasabuhay sa araw-araw na pangangalaga sa mga maysakit. “Panawagan para sa mga [deboto ng] Our Lady of Lourdes, bokasyon ng mga doktor [at] medical personnel, ang inyong mga kamay ay hindi lamang kamay ng propesyonal. Ito ay kamay na hinihirang upang magpagaling. Ang inyong puso ay hindi lamang pusong makatao. Ito ay pusong hinubog ng habag ni Kristo,” hamon ni Archbishop Garcera.

Tema naman ng naturang Jubilee Celebration sa Arkidiyosesis ng Lipa ang “Healing Hands, Hopeful Hearts: A Jubilee of Service and Life.”

Iginiit ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na ang pangangalaga sa mga may sakit ay hindi lamang tungkulin ng mga manggagawang pangkalusugan kundi kolektibong misyon ng Simbahan na nagmumula sa habag at dignidad ng tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kanino natututo ang mga bata?

 35,224 total reads

 35,224 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 89,278 total reads

 89,278 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 152,959 total reads

 152,959 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 220,921 total reads

 220,921 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 251,104 total reads

 251,104 total reads Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 47,409 total reads

 47,409 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top