Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Iligan, nanawagan ng tulong at panalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 50,126 total views

Nanawagan ng tulong at panalangin si Iligan Bishop Jose Rapadas III para sa libo-libong pamilyang labis na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Basyang sa Iligan City.

Batay sa datos na nakalap ng Diyosesis ng Ilagan, 23 sa kabuuang 44 na barangay sa lungsod ang apektado ng bagyo.

Tinatayang 17,000 indibidwal o humigit-kumulang 3,500 pamilya, kabilang ang halos 500 senior citizen, ang pansamantalang nanunuluyan sa mga barangay gym, barangay hall, paaralan, at ilang simbahan.

“Many homes were damaged, livelihoods disrupted, and basic needs remain unmet, especially among the most vulnerable,” ayon kay Bishop Rapadas.

Dahil sa lawak ng pinsala, idineklara na ng Pamahalaang Lungsod ng Iligan ang State of Calamity upang mapabilis ang paglalabas ng pondo para sa agarang pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong residente.

Aktibo ring kumikilos ang mga lokal na pamahalaan, civil society organizations, at volunteers mula sa mga parokya sa pamamahagi ng relief goods at tulong sa mga evacuation center.

Kabilang sa mga agarang pangangailangan ng mga evacuee ang mga damit, hygiene kits, sleeping mats o sleeping kits, at food packs.

Batay sa huling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), tuluyan nang humina at naging low pressure area ang Bagyong Basyang, habang ibinaba na rin ang Tropical Cyclone Wind Signal sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tantanan na ang mga puno!

 63,508 total views

 63,508 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 84,573 total views

 84,573 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 107,595 total views

 107,595 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 145,397 total views

 145,397 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top