Diocese of Bangued, naninindigan laban sa pagmimina sa lalawigan ng Abra

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,685 total views

Mariing nanindigan ang Diyosesis ng Bangued laban sa banta ng malakihang pagmimina sa bayan ng Licuan-Baay, na naglalagay sa panganib hindi lamang sa kalikasan kundi maging sa kabuhayan at kalusugan ng mamamayan ng lalawigan ng Abra.

Sa pastoral statement ng diyosesis, iginiit ni Bishop Leopoldo Jaucian ang pagkakaisa ng simbahan sa pagtatanggol sa kalikasan at kabanalan ng nilikha ng Diyos.

“We raise our voice on a pressing issue that endangers both the beauty of our land and the well-being of our people: the threat of large-scale mining in Licuan-Baay,” pahayag ni Bishop Jaucian.

Binatikos ni Bishop Jaucian ang pagkakaloob ng Authority to Verify Minerals sa Yamang Mineral Corporation nang hindi dumaraan sa Free, Prior, and Informed Consent (FPIC) ng mga katutubo, na maituturing na paglabag sa karapatan at dangal ng mga pamayanan.

Binigyang-diin din ng obispo na ang magiging pinsala ng pagmimina ay hindi lamang mararamdaman sa Licuan-Baay, dahil dadaloy ang epekto nito sa Malanas at Baay Rivers patungong Abra River, na nagsisilbing pangunahing pinagkukunan ng buhay ng maraming pamayanan.

“Such disregard for law and community raises deep concerns about credibility, respect, and justice… Mining will bring contamination, flooding, and destruction that will reach many municipalities. What harms one part of Abra harms us all,” giit ni Bishop Jaucian.

Mariin ding kinondena ng diyosesis ang lahat ng gawaing pumipinsala sa kalikasan at nanawagan sa mga lokal na opisyal at ahensya ng pamahalaan na pairalin ang batas at ipagtanggol ang mamamayan.

“We call upon all local government officials and government agencies to act with courage and integrity,” panawagan ng obispo.

Hinimok din ni Bishop Jaucian ang bawat Abreño na manindigan para sa pangangalaga ng nilikha ng Diyos at sama-samang kumilos upang maipamana ang pag-asa, katarungan, at pangmatagalang pangangalaga para sa susunod na henerasyon.

“Let us be united in faith and in action. Let us choose life, justice, and stewardship. And may our collective “yes” to God’s gift of creation become the lasting legacy we pass on to future generations,” ayon kay Bishop Jaucian.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 16,880 total views

 16,880 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 190,814 total views

 190,814 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 168,447 total views

 168,447 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 232,077 total views

 232,077 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 250,670 total views

 250,670 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top