Harapin ang kasalanan at pagkukulang sa lipunan, apela ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,455 total views

Hinimok ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang mga mananampalataya na harapin hindi lamang ang personal na kasalanan kundi maging ang pagkukulang ng lipunan sa pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma.

Sa kanyang homiliya ngayong Miyerkules ng Abo sa misang ginanap sa Arzobispado chapel na dinaluhan ng mga kawani ng RCAM, binigyang-diin ng kardinal na ang tanda ng abo sa noo ay paanyaya sa tapat na pagsusuri ng sarili at ng sambayanan.

“We confess that we are sinners, not only as individuals, but also as a people. We dare to face the corruption, injustice, and compromises that afflict our nation and become aware of our own participation in them, whether by action, silence, or indifference,” pahayag ni Cardinal Advincula.

Ayon sa kardinal, ang mga abo na inilalagay sa noo ng bawat mananampalataya ay tanda ng paghilom at pagbabalik loob.

Paliwanag ni Cardinal Advincula na ang abo ay naghahayag ng katotohanan tungkol sa tao kabilang na ang kahinaan, pagiging makasalanan, at pagiging panandalian ng buhay.

“God does not ask us to wear ashes to shame us, but to heal us… Ashes tell the truth about us. They strip away the illusions and hallucinations that we often have about ourselves,” dagdag pa ng kardinal.

Binigyang-diin ng arsobispo ang kahalagahan ng pagiging totoo sa harap ng Diyos, lalo na sa gitna ng kulturang nakatuon sa panlabas na anyo at pagpapakitang-tao.

Sa pagninilay ng kardinal, ang Kuwaresma ay hindi panahon ng pagpaparusa sa sarili kundi paghahanda ng puso para sa Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus.

“The ashes on our foreheads are not a mark of despair, but of hope,” ayon sa arsobispo.

Hinimok ni Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na huwag magmadaling punasan ang abo sa noo, bagkus hayaang magsilbing paalala ng pag-ibig at awa ng Diyos.

Sa pagsisimula ng 40 araw na paglalakbay ng Kuwaresma, paalala ng arsobispo na ang tunay na pagbabalik-loob ay hindi lamang panlabas na pagsunod sa mga debosyon kundi isang “journey of the heart” tungo sa mas malalim na pakikipag-isa kay Kristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 21,607 total views

 21,607 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 195,541 total views

 195,541 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 173,174 total views

 173,174 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 236,537 total views

 236,537 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 254,768 total views

 254,768 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top