Cardinal David sa ika-40 taon ng EDSA: “Walang karapatang mamahala ang sino mang sumisira sa tiwala ng bayan”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,063 total views

Iginiit ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang puwang ang pag-abuso sa kapangyarihan sa isang demokrasyang nakasalalay sa tiwala ng bayan.

Sa kanyang homiliya sa ikapitong misa nobenaryo ng National Shrine of Our Lady of Peace o EDSA Shrine, sinabi ng kardinal na hindi nararapat mamuno sa bayan ang mga tiwaling opisyal.

“Walang karapatang mamahala ang sino mang sumisira sa tiwala ng bayan,” ayon kay Cardinal David.

Binigyang-diin ng kardinal na ang panunungkulan sa pamahalaan ay hindi pag-aari kundi isang pananagutan sa Diyos at sa mamamayan.

Iginiit ni Cardinal David na ang pundasyon ng pamamahala ay public trust.

Ipinaliwanag din ng kardinal ang kahulugan ng transparency at accountability sa mas payak na wika.

“Ang pinakamalapit na salitang Tagalog para sa transparency ay ‘walang tinatago,’ at para sa accountability ay ‘handang managot,’” ani Cardinal David.

Ayon sa kanya, hindi lamang mga lingkod-bayan ang dapat magsuri ng sarili kundi maging ang mamamayan.

“Imposibleng magkaroon ng good governance kung walang responsible citizenship,” paalala ng kardinal, sabay panawagan ng isang “moral reset” para sa bansa.

Kasabay ng pagninilay sa Unang Linggo ng Kuwaresma, pinaalalahanan ni Cardibal David ang mga mananampalataya na ang kapangyarihan ay ipinagkakatiwala at hindi inaangkin.

Dagdag pa niya, maaaring malinlang ang tao, ngunit hindi ang Diyos.

“Hindi tayo boss. Hindi tayo amo. Tayo’y katiwala… Pwede mong lukohin o pagtaguan ang bayan. Pero pwede mo bang lukohin o dayain ang Panginoong Diyos?” ayon sa kardinal.

Hinimok ng kardinal ang lahat na pangalagaan hindi lamang ang tiwala ng bayan kundi higit sa lahat ang tiwalang ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa bilang mga katiwala ng Kanyang nilikha.

Kabilang din si Cardinal David sa mga tagapagsalita sa Prayer Power sa EDSA kabilang ang mga kilalang personalidad na kaisa sa pagsusulong ng pananagutan sa mga lider ng bayan.

Ito rin ay paggunita sa yumaong Jaime Cardinal Sin na noo’y arsobispo ng Manila na nanawagan sa taumbayan sa pamamagitan ng Radio Veritas na magtungo at magbuklod sa EDSA na naging mitsa sa tinaguriang bloodless at peaceful revolution na nagpatalsik sa diktaduryang pamamahala ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 156,913 total views

 156,913 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 187,136 total views

 187,136 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 213,782 total views

 213,782 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 308,755 total views

 308,755 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 319,557 total views

 319,557 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top