PIMS for transparency at accountability, inilunsad ng Diocese of Antipolo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,968 total reads

Ganap nang ipinatutupad ng Diocese of Antipolo ang digitalization bilang bahagi ng pagpapalakas ng transparency at pananagutan sa pamamahala ng mga parokya.

Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Santos ito ang layunin sa full implementation ng Parish Information Management System (PIMS) sa mga parokya kung saan papalitan ng makabagong sistema ang manu-manong pagtatala at magbibigay ng mas mabisa, tumpak, at ligtas na pangangasiwa ng iba’t ibang records ng mga parokya.

“This undertaking is our concrete response to God’s call to faithful and prudent stewardship, as well as to the Church’s mandate for transparency and accountability,” ayon sa pahayag ni Bishop Santos.

Binigyang diin ng obispo na sa pamamagitan ng hakbang ay higit na mapangalagaan ang mga handog ng mananampalataya at matiyak na magagamit sa wastong mga pamamaraan.

“We assure you that your offerings are carefully safeguarded, properly utilized, and honestly accounted for in service of the Church’s mission,” ani Bishop Santos.

Bahagi ng sistema ang accounting module na magtatala ng mga transaksyon, pag-iisyu ng opisyal na resibo, pagsubaybay sa mga deposito at gastusin, at pagbuo ng komprehensibong ulat-pinansyal.

Hinimok naman ng obispo ang lahat ng parokya na makiisa at tiyakin ang wasto at tuluy-tuloy na paggamit ng PIMS sa araw-araw na operasyon bilang pagsasabuhay ng responsable at tapat na pangangasiwa sa yaman ng Simbahan.

Tiniyak ni Bishop Santos ang pagpapaigting sa mga hakbang sa pagsusulong ng matapat at makatarungang pamamahala sa mga handog sa simbahan bilang mga katiwala ng Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 71,110 total reads

 71,110 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 106,416 total reads

 106,416 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 141,716 total reads

 141,716 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 367,985 total reads

 367,985 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 257,446 total reads

 257,446 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top