EDSA anniversary bilang national holiday, isinulong sa Kamara

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,476 total reads

Isinusulong ng Akbayan Partylist ang House Bill 7911 na naglalayong ideklara ang February 25-bilang regular holiday bilang paggunita sa People Power Revolution ng 1986.

Ang panukala ay isinulong nina Akbayan Partylists Rep. Chel Diokno, kasama sina Rep. Perci Cendaña, Rep. Dadah Kiram Ismula, at Dinagat islands Rep. Kaka Bag-ao.

“February 25, 1986 is more than a date etched in history — it marks the moment when the Filipino people peacefully rose to reclaim their democracy. It stands as a testament to courage, unity, and the enduring power of collective action,” ayon kay Diokno.

Layunin ng hakbang na parangalan ang mapayapang pag-aalsa sa EDSA na nagtapos sa diktadurya ng Marcos at nagbalik ng demokrasya sa bansa.

Dagdag pa ng kongresista, “It is our responsibility to honor this defining moment with the full recognition and dignity it deserves as a regular national holiday.”

Ayon sa panukala, pabago-bago ang naging paggunita sa Feb. 25 sa mga nakaraang taon—noong 2023 bilang special non-working holiday, regular working day noong 2024, at special working holiday sa 2025 at 2026.

Giit ng mga mambabatas, nakababawas ito sa kahalagahan ng EDSA bilang simbolo ng katapangan, pagkakaisa, at kapangyarihan ng sama-samang pagkilos.

Sakaling maisapa bilang batas, taun-taon nang maipagdiriwang ang EDSA anniversary bilang regular holiday, at ang National Historical Commission of the Philippines ang mangunguna sa pagsasaayos ng mga gawain para sa paggunita.

Saklaw nito ang mga programa sa mga paaralan, ahensya ng gobyerno, at civil society upang mapanatili ang katotohanan ng kasaysayan at itaguyod ang demokratikong halaga at karapatang pantao.

Ayon kay Diokno, ang pagtatalaga ng February 25 bilang regular holiday ay pagpapatibay na buhay pa rin ang diwa ng People Power.

“Democracy survives not by accident, but because the people choose to defend it,” saad pa ng mambabatas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 71,102 total reads

 71,102 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 106,408 total reads

 106,408 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 141,708 total reads

 141,708 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 367,977 total reads

 367,977 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 257,439 total reads

 257,439 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 12,010 total reads

 12,010 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top