Labanan ang hindi tama sa lipunan!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,643 total reads

Ito ang mensahe ni National Shrine of Mary Queen of Peace o EDSA Shrine Rector Rev.Fr. Jerome Secillano at Running Priest Father Robert Reyes sa unveiling ng bagong mural na pinamagatang ‘Tayo ang People Power, Noon Ngayon Bukas’ na handog sa pagdariwang ng ika-40 taon ng EDSA People Power Revolution.

Binigyan diin ni Fr.Secillano na kinakailangan at napapanahon ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa ilalim ng paggabay ng Simbahan upang higit na mapalalim ang pananampalataya at upang malabanan ang mga suliranin na kinakaharap ng Pilipinas.

Inihayag ni Fr.Secillano na kailangan ang pananampalataya sa pagpapanibago sa lipunang nasasadlak sa katiwalian at kawalan ng hustisya.

“At yung panghuli ay andoon, makikita mo yung faith component, religious component, na ibig sabihin sa pagpapanibago ng lipunan, kailangan din talaga natin ang tulong ng simbahan at pananampalataya,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Secillano.

Umaasa naman si Fr.Reyes na manatiling nag-aalab ang puso ng mga Pilipino upang labanan ang laganap na korapsyon sa pamahalaan.
Pinangangambahan ng nina Fr.Reyes at Fr.Secillano ang mabilis na pagkalimot ng mga Pilipino sa nangyayaring katiwalian sa bansa.

“Ang daming issue. Pero napapansin mo, parang yung init na dati matindi, parang lumalamig. Tapos ang daming iba-ibang issue na sumusulpot. Yung taong bayan, yung EDSA kasi, yung unang EDSA ay nangyari dahil may tinatawag na consistent, constant moral voice si Cardinal Sin. Ngayon, walang isang tao, eh. Pero anong nangyari? Maraming nagsasalita,” ayon naman sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Secillano.

Malugod namang pinasasalamatan ng pamunuan ng EDSA Shrine ang mga Pilipinong artist at pintor na gumawa sa mural na kinabibilangan ni Anthony Jandusay, Tednicalao Camahalan, Rara Carrillo, Alvergel Frias at Abigail Bulan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 71,096 total reads

 71,096 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 106,403 total reads

 106,403 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 141,703 total reads

 141,703 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 367,972 total reads

 367,972 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 257,435 total reads

 257,435 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top