“Hindi magtatapos sa krimen ang inyong karanasan. Magtatapos ito sa katarungan.”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,365 total reads

Ito ang mariing pahayag ni Fr. Joel Saballa sa isinagawang misa at pagtitipon ng mga pamilya ng mga biktima ng war on drugs, kasabay ng pagdinig sa International Criminal Court (ICC) kaugnay sa mga kasong crimes against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Fr. Saballa, sa gitna ng matinding pagdurusa at pagkawala ng mahal sa buhay, hindi dapat manaig ang kawalan ng pag-asa sapagkat ang Diyos ay Diyos ng katotohanan at hustisya.

“Ang Diyos ay hindi bulag, hindi bingi, hindi tahimik. Siya ay Diyos ng katotohanan, ng habag at hustisya,” ayon kay Fr. Saballa.

Binigyang-diin ng pari na ang pananampalataya ay hindi nangangahulugang pananahimik sa harap ng mali, kundi paninindigan para sa tama na may pusong may habag.

“Ang pananampalataya ay hindi bulag. Hindi ito tahimik sa harap ng mali,” diin ng pari.

Sa kanyang pagninilay, inihayag ni Fr. Saballa na ang sakit ng mga magulang na nawalan ng anak ay walang katumbas na salita upang maipaliwanag, subalit tiniyak niyang hindi nag-iisa ang mga pamilya sa kanilang pagdadalamhati.

“Sa bawat luha at sugat na hindi maipaliwanag, si Kristo’y naroon, tahimik, ngunit buhay na gumagabay sa atin,” dagdag pa ni Fr. Saballa.

Ipinaalala rin ng pari na ang paghahanap ng katarungan ay hindi dapat maging daan ng galit kundi ng liwanag ng biyaya ng Diyos.

“Hindi magtatapos sa krimen ang inyong karanasan. Magtatapos ito sa katarungan,” saad ng pari.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Atty. Gian Miko Arabejo, tagapagsalita ng iDefend, ang proseso ng pagdinig sa ICC partikular ang confirmation of charges hearing kung saan tatalakayin ang saklaw ng mga paratang laban sa dating pangulo.

Ayon kay Arabejo, mahalagang marinig ang panig ng mga biktima sa pagdinig at tiniyak nilang magpapatuloy ang kanilang paninindigan hanggang makamit ang hustisya.

“Hindi po trabaho ng gobyerno ang pumatay ng kanilang citizen,” giit ni Arabejo.

Dagdag pa ng abogado, ang bawat akusado ay may karapatan sa due process, subalit iginiit niyang ang parehong karapatang ito ang ipinagkait sa maraming nasawi sa kampanya kontra droga.

Patuloy namang nananawagan ang mga grupo ng malasakit at panalangin para sa mga pamilya ng biktima, kasabay ng pag-asa na ang paglalakbay ngayong panahon ng Kuwaresma ay maging daan tungo sa panibagong pagbangon at makatarungang kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 17,024 total reads

 17,024 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 54,864 total reads

 54,864 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 73,074 total reads

 73,074 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 157,403 total reads

 157,403 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 193,974 total reads

 193,974 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 2,230 total reads

 2,230 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top