Hindi pa tapos ang laban sa tunay na kalayaan-PSDS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,349 total reads

Nanindigan ang Person in Street Dwelling Situations (PSDS) Ministry ng Archdiocese of Manila na nananatiling buhay ang diwa ng EDSA People Power makalipas ang apatnapung taon, lalo na para sa mga maralitang naninirahan sa lansangan.

Sa paggunita ng EDSA @40, binigyang-diin ng grupo na ang laban para sa tunay na kalayaan ay hindi pa tapos.

“Naniniwala pa rin tayo, kasama ang mga Lazaro ng kasalukuyang lipunan, na tayo ang People Power, noon, ngayon, bukas,” ayon sa pahayag ng PSDS sa Radyo Veritas.

Anila, kung noong 1986 ay nagkaisa ang sambayanan laban sa katiwalian at pang-aabuso, sa kasalukuyan ay nananatiling hamon ang umiiral na sistematikong kawalang katarungam na patuloy na nagpapahirap sa mga Pilipino lalo ang mga nasa laylayan at mahihinang sektor ng lipunan.

“Forty years later, nakikita pa rin natin ang ating mga sarili na kinukurakot, pinagsasamantalahan, at inaapi ng mga lider na siyang dapat nangungunang magbigay, mag-gabay, at magsilbi,” mariing pahayag ng PSDS.

Partikular na tinukoy ng PSDS Ministry ang kalagayan ng mga persons in street-dwelling situations na madalas nagiging biktima ng mapanupil na mga polisiya at hindi makataong pagpapatupad ng mga clearing operations.

“Para sa mga PSDS, tama na ang mga pang-aabuso at panlalamang. Itigil na ang pananakit at pagnanakaw ng kanilang mga kagamitan sa isinasagawang mga ‘rescue’ at clearing operations,” anila.

Iginiit din ng ministry na ang mga maralita ay hindi lamang bahagi ng Simbahan kundi nasa puso mismo ng misyon nito.

Binigyang-diin ng grupo na kaisa sila ng Simbahan sa paniningil ng makatarungan at makataong pagtrato sa mga maralita.

“Kaisa ng Simbahan, kasama nating naniningil ng tunay na kalayaan para sa ating lahat ang aping-api na nating beloved PSDS,” giit ng grupo.

Hinimok ng PSDS Ministry ang mamamayan na ipagpatuloy ang diwa ng pagkakaisa at paninindigan para sa dignidad ng bawat tao, lalo na ng mga dukha at inaapi, bilang kongkretong pagsasabuhay ng diwa ng EDSA People Power sa kasalukuyang panahon.

Ang RCAM – PSDS ministry ay itinatag noong September 2025 alinsunod sa kautusan ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula na pangunahing mandato ang palakasin ang paglilingkod ng lokal na simbahan sa mga dukha lalo na ang mga nasa lansangan.

Kasalukuyang pinamumunuan ni Fr. Francisco Nicolas Magnaye, Jr., CM, ang tanggapan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 72,666 total reads

 72,666 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 107,844 total reads

 107,844 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 143,144 total reads

 143,144 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 369,413 total reads

 369,413 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 258,825 total reads

 258,825 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top