Pananaig ng moral na pananagutan at paninindigan, adhikain ng CMSP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,328 total reads

Nanawagan ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) ng moral na pananagutan at paninindigan para sa katotohanan sa paggunita ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Sa pahayag ng CMSP, mariing iginiit ng samahan ng mga relihiyoso na hindi maaaring maging tahimik ang Simbahan sa harap ng patuloy na paghamon sa demokrasya at dignidad ng mahihirap.

“We cannot be neutral when the dignity of the poor is trampled. We cannot remain silent when democratic institutions are eroded,” ayon sa CMSP.

Sinabi ng CMSP na ang diwa ng EDSA ay hindi lamang bahagi ng kasaysayan kundi isang patuloy na panawagan sa kasalukuyan, lalo’t nananatili ang mga suliraning panlipunan sa bansa.

“Forty years later, our nation still struggles with poverty that wounds families, corruption that steals from the poor, political dynasties that entrench power, and disinformation that distorts truth. The spirit of EDSA confronts us anew,” giit ng grupo.

Binigyang-diin ng grupo na ang pag-alala sa EDSA ay hindi dapat mauwi sa paggunita lamang, kundi maging pagkakataon ng pagbabago at pagbabalik-loob.

Tahasang tinukoy ng CMSP ang usapin ng katiwalian at pagmamanipula ng katotohanan bilang banta sa demokrasya.

“We say with clarity: when public office becomes an instrument of self-interest, it betrays its sacred trust. When corruption becomes normalized, society becomes numb to the suffering of the poor. When truth is manipulated, democracy is weakened at its roots.”

Iginiit din ng samahan na ang kanilang paninindigan ay hindi nakabatay sa partidong pulitikal kundi sa ebanghelyo at misyon ng Simbahan.

“Prophetic ministry demands that we speak — not in anger, but in truth; not in partisanship, but in fidelity to the Gospel.”

Ipinaalala ng CMSP na noong 1986, maraming relihiyoso ang personal na tumindig sa EDSA, nagdasal, nagmartsa, at humarap sa mga sundalo at tangke nang walang dalang armas kundi pananampalataya.

Ayon pa sa pahayag, ang EDSA ay hindi lamang isang pangyayaring pulitikal kundi isang malalim na karanasang espiritwal at moral para sa sambayanan.

“EDSA was not merely a political event; it was a moral awakening born of years of quiet courage, sacrifice, prayer, and solidarity.”

Ang CMSP, na dating kilala bilang Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP), ay muling nagpatibay ng kanilang pangako sa patuloy na paghuhubog sa konsensiya ng mamamayan na kumikilala sa katotohanan, maninindigan kasama ang mahihirap, at hahamon sa mga sistemang nagbubunsod ng kasakiman at kawalan ng katarungan.

Nanawagan ang samahan na nawa’y manaig ang katarungan at awa sa bayan, at magsilbing inspirasyon sa bawat Pilipino ang tapang na ipinamalas sa EDSA, hindi lamang sa panahon ng krisis kundi sa araw-araw na pagpili ng katapatan, pagkakaisa, at pananagutan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 21,104 total reads

 21,104 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 58,621 total reads

 58,621 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 76,832 total reads

 76,832 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 161,160 total reads

 161,160 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 197,538 total reads

 197,538 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 2,837 total reads

 2,837 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top