Katutubong Dumagat-Remontado, binisita ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,615 total reads

Inilarawan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang Simbahan bilang isang inang hindi nakakalimot dumalaw at kumalinga sa kanyang mga anak.

Ito ang binigyang-diin ng obispo sa kanyang pagbisita sa mga katutubong Dumagat-Remontado sa Sitio Nayon sa Barangay Sta. Ines at Daraitan, Tanay Rizal, bilang bahagi ng pagdiriwang sa ika-400 anibersaryo ng pagdating ng Nuestra Señora dela Paz y Buen Viaje o ang Mahal na Birhen ng Antipolo, at ng ika-100 anibersaryo ng canonical coronation ng imahen.

Ayon kay Bishop Santos, bahagi ng pagiging Simbahan ang aktibong paglapit sa mga malalayong pamayanang higit na nangangailangan.

“Ito ang ginagawa ng Diyosesis ng Antipolo—pumunta kami rito upang sa ganun ay ilapit ang simbahan sa kanila. Ipadama ang simbahan ay nangangalaga, nagmamalasakit, nagmamahal sa kanila. At ang nais ng simbahan ay sila’y matulungan, sila ay damayan, at ang kanilang pangarap ay matupad sa buhay,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.

Nakatuwang ni Bishop Santos sa gawain sina Fr. Michael Antalan, AM, kura paroko ng Holy Family Quasi-Parish – Cuyambay at Priest coordinator ng Diocesan Commission on Indigenous Peoples; Fr. Jovie Nepomuceno, rektor at kura paroko ng Diocesan Shrine of the Holy Face of Manopello – Parish of St. Jude Thaddeus – Sampaloc, Tanay; gayundin ang Caritas Antipolo at ilang lay volunteers.

Nasa humigit-kumulang 400 katutubong pamilya ang nabahaginan ng tulong, kabilang ang bigas, pagkain, gamot at iba pang pangunahing pangangailangan.

Samantala, ibinahagi rin ni Bishop Santos ang pagsusulong sa pangmatagalang suporta tulad ng programang pangkabuhayan at iba pang konkretong suporta para sa komunidad.

Kabilang dito ang tulong sa transportasyon ng mga produkto mula sa liblib na pamayanan patungo sa mga pamilihan.

“Iyong kanilang mga pananim para madala sa Cogeo at Lower Antipolo, ang simbahan na ang tutulong. Tayo na ang magpo-provide sa kanila ng sasakyan upang hindi na sila gumastos,” ayon kay Bishop Santos.

Tiniyak naman ni Bishop Santos na magpapatuloy ang pagdalaw sa mahihirap at liblib na pamayanan bilang patuloy na pagpapadama ng pakikiisa at malasakit ng Simbahan at ng Mahal na Birhen ng Antipolo sa buhay at kinabukasan ng mga katutubong Dumagat-Remontado.

“Ito po ay tanda na ang simbahan ay lumalapit sa kanyang kawan at ang simbahan, tulad ng isang ina, ay dapat mangalaga at itaguyod ang kanilang buhay,” saad ni Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 28,434 total reads

 28,434 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 65,387 total reads

 65,387 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 83,598 total reads

 83,598 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 167,926 total reads

 167,926 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 204,004 total reads

 204,004 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 80,764 total reads

 80,764 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top