1st Diocesan Convention of Novicios at Novicias, isasagawa ng Diocese of Boac

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 435 total reads

Magtitipon ang humigit-kumulang 2,000 kabataan mula sa Diocese of Boac sa bayan ng Torrijos, Marinduque bilang bahagi ng mas pinaigting na formation program ngayong panahon ng Kuwaresma.

Ayon kay Fr. Jovin Grimaldo, director ng Commission on Youth ng diyosesis, layunin ng pagtitipon na mailayo ang kabataan sa labis na pagkababad sa digital world alinsunod sa panawagang digital fasting ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at higit na mapalalim ang kanilang buhay pananampalataya.

Isasagawa ang 1st Diocesan Convention of Novicios and Novicias sa ika-7 ng Marso bilang bahagi ng year-long celebration ng Year of the Family and Youth, kaugnay ng paghahanda sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng diyosesis sa 2028.

“Imbes na sila’y maging abala sa mga social media o sa digital world, sila’y nagiging abala sa buhay kabanalan ngayong panahon ng Kuwaresma,” pahayag ni Fr. Grimaldo sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ng pari na ang tradisyon ng novicios at novicias sa Marinduque ay matagal nang panata na unang isinagawa bilang paghahanda ng mga tatanggap ng sakramento ng kasal, at kalaunan ay ibinukas sa mga kabataan upang higit silang mapalapit sa Diyos sa pamamagitan ng pananalangin, sakripisyo, at pamamanata.

Ngayong taon, kauna-unahang pagbubuklurin ng diyosesis ang mga kabataan sa isang malawakang pagtitipon.

Bukod sa mga formation modules, nag-imbita rin ang pamunuan ng mga tagapagsalita mula sa TV Maria at Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) upang tugunan ang kinahaharap na suliranin ng kabataan.

“Lalo na ngayon ang mga kabataan ay nakakaranas ng iba’t ibang challenges, particularly mga mental health, depression at anxieties,” ani Fr. Grimaldo.
Binigyang-diin ng pari na mahalagang maramdaman ng kabataan ang presensya at pag-ibig ng Diyos sa gitna ng kanilang pinagdaraanan.

“Napakahalaga na ang bawat tao, lalo higit ang kabataan, ay malapit sa Diyos at madama nila ang kanyang pag-ibig upang lagi nilang maalaala na may nagmamahal sa kanila,” dagdag pa ng pari.
Sa pamamagitan ng mas pinaigting na pananatili sa simbahan, pananalangin, at pagsasabuhay ng digital fasting, umaasa ang simbahan na higit na mapatatag ang pananampalataya ng kabataan at magabayan sila sa bawat yugto ng kanilang buhay.

Iginiit ni Fr. Grimaldo na patuloy ang paanyaya ng simbahan sa mga kabataan na mamuhay nang may pananalig at samahan ng panalangin ang bawat hamon na kanilang kinahaharap upang manatiling inspirado at pinagpapala.

Tema ng pagtitipon ang “Hamos, Hayon, Hayo: A Synodal Journey,” na paanyaya sa mga kabataang Marinduqueño na magbuklod sa paglalakbay bilang iisang simbahan.
Magsisimula ang gawain alas-7 ng umaga sa St. Ignatius of Loyola Parish Church, na susundan ng synodal walk patungong Torrijos Stadium kung saan gaganapin ang pagtitipon.
Bukod sa mga panayam, magkakaroon din ng synodal encounter ang mga kabataan kay Boac Bishop Edwin Panergo bago ang pagtatapos ng gawain sa pamamagitan ng banal na misa alas-2 ng hapon.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 11,901 total reads

 11,901 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 13,153 total reads

 13,153 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 27,404 total reads

 27,404 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 64,782 total reads

 64,782 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 96,052 total reads

 96,052 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 171,519 total reads

 171,519 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 264,416 total reads

 264,416 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 11,902 total reads

 11,902 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top