Pagsusuri sa pagkakilanlan, pagmimisyon at pakikipagkaisa, tiniyak ng SCJ

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 538 total reads

Tiniyak ng Sacred Heart of Jesus Congregation (SCJ) o Dehonians ang masusing pagsusuri at mas malinaw na pagtutok sa pagkakilanlan, misyon, at pakikipagkaisa.

Ito ang mensahe ni SCJ superior of the Philippine region Fr. Nino Etulle sa ginanap na SCJ Annual Assembly 2026 noong February 9 hanggang 13 sa Sacred Heart Spirituality Center, Dumalinao, Zamboanga Del Sur.

Sa temang “Formed, Focused, and Future Ready: Implementing the Chapter for the Renewed SCJ Philippine Region,” binigyang-diin ng pari na napapanahon nang suriin ang buhay at pastoral na gawain ng rehiyon alinsunod sa mga itinakdang direksyon ng Dehonians.

“We have arrived at the moment to evaluate our life and pastoral ministries in the light of the Programmatic Letter of the General Administration that we have adopted — focusing on Identity, Mission, and Communion,” pahayag ni Fr. Etulle sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ng pari na ang pagtitipon ng SCJ Philippine Region ay hindi lamang taunang pagpupulong kundi isang pagkakataon upang higit na pagtibayin ang sama-samang pananagutan sa misyon ng Simbahan sa bansa.

“The SCJ Philippine Region gathers to Reflect, Listen, and Act,” ani Fr. Etulle.

Dagdag pa ni Fr. Etulle, mahalaga ang mas malalim na pagninilay sa kolektibong tungkulin ng bawat kasapi, lalo na sa pakikipagtulungan sa mga lokal na simbahan.

“We reflect together on our shared responsibility in the mission in the Philippines and our collaboration with the local Church…We strengthen the participation of all in the growth of the mission,” aniya.

Kasabay nito, hinimok niya ang mga kasapi na yakapin ang diwa ng pagkakaisa bilang kongregasyon.

“We encourage our members to embrace the spirit of ‘Sint Unum,’ walking together,” ayon kay Fr. Etulle.

Giit pa ng pari, nakatuon ang rehiyon sa panibagong sigla ng pagiging Dehonian sa pamamagitan ng mas aktibong pakikilahok sa mga proseso ng pagpapasya.

“We renew our focus on Dehonian identity, communion, and mission, with active participation in all decision-making,” saad ni Fr. Etulle.

Ang SCJ Annual Assembly 2026 ay bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng mga direktiba ng Kongregasyon upang higit na mapatatag ang pagkakilanlan, misyon, at pakikipagkaisa ng mga kasapi nito sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 61,117 total reads

 61,117 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 140,110 total reads

 140,110 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 173,555 total reads

 173,555 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 208,853 total reads

 208,853 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 432,917 total reads

 432,917 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top