Maging huwaran sa paggamit ng enerhiya, panawagan ng Obispo sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,082 total reads

Bilang pakikiisa sa panawagan ng pamahalaan sa pagtitipid dulot ng lumalalang krisis sa Gitnang Silangan, nanawagan si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga parokya at mga institusyon ng simbahan, na maging huwaran sa tamang paggamit ng enerhiya.

Ayon sa obispo, bilang simbahan ay tungkulin ng bawat isa ng pagtuturo ng wastong pamumuhay at responsableng paggamit ng yaman.

Hinihikayat ko ang lahat ng parokya, pamilya, at institusyon ng Simbahan na maging huwaran sa pagtitipid—sa kuryente, tubig, gasolina, at anumang likas na yaman. Ang simpleng pagpatay ng ilaw, pag-iwas sa sobrang biyahe, at pag-aalaga sa mga kagamitan ay konkretong ambag sa kabutihan ng bayan,” ayon sa bahagi ng mensahe ni Bishop Santos.

Sinabi ng obispo, na ito rin ang tamang pagkakataon na higit pang paigtingin ang mga programa ng simbahan sa pagkakawanggawa lalo na sa mga pamayanang higit na nangangailangan.

Ayon pa kay Bishop Santos, “Palalakasin natin ang ating feeding programs, community pantries, at livelihood support, lalo na para sa mga pinaka apektado—ang mahihirap, manggagawa, at mga pamilyang kapos na kapos.”

Tiniyak naman obispo na mananatili ang gampanin ng simbahan upang maging tahanan ng pag-asa sa mga nangangailangan, nakakaramdam ng pagod dulot ng mga pagsubok sa buhay.

Giit pa ni Bishop Santos, bagama’t hindi kontrolado ang pagtaas ng presyo ng langis o pandaigdigang ekonomiya ay kinakailangan ang tamang pagtugon, ang disiplina, pagkakaisa at pananampalataya.

“Sa panahon ng kagipitan, huwag tayong mawalan ng pag-asa. Sa panahon ng pagtaas ng presyo, huwag tayong mawalan ng malasakit. Sa panahon ng pangamba,huwag tayong bumitaw sa Diyos,” saad ni Bishop Santos.

Muli ring nanawagan ang obispo sa bawat mananampalataya ng patuloy na pananalangin para sa kapayapaan at hingin ang pamamagitan ng Mahal na Birhen lalo na sa panahon ng mga kinakaraharap na hamon

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 10,003 total reads

 10,003 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 11,415 total reads

 11,415 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 24,761 total reads

 24,761 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 62,139 total reads

 62,139 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 93,409 total reads

 93,409 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 169,069 total reads

 169,069 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 262,107 total reads

 262,107 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 11,416 total reads

 11,416 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »
Scroll to Top