Caritas Philippines, nagpahayag ng suporta sa mga biktima ng mining

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 493 total reads

Nagpahayag ng suporta ang advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga pamayanang apektado ng pagmimina sa pagdiriwang ng Mining Hell Week 2026.

Ayon kay Caritas Philippines president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, ang pakikibaka ng mga komunidad sa kanilang lupa ay higit pa sa usaping pangkalikasan.

Sinabi ng obispo na ang kasalukuyang suliranin ay bahagi ng mas malawak na sistema ng extractivism, isang modelo ng kaunlaran na tinitingnan ang mundo bilang imbakan ng yaman para sa kita, na madalas nagiging kapinsalaan ng mga pamayanan at ng susunod na henerasyon.

Binigyang-diin ni Bishop Alminaza na ang malakihang pagmimina ay sumisira sa kagubatan, nagpaparumi sa mga watershed, at pumipinsala sa kabuhayan ng mga magsasaka, mangingisda, at katutubo.

“But beyond the local damage,it also feeds a global economythat remains dangerously dependent on fossil fuelsand unsustainable extraction,” ayon kay Bishop Alminaza.

Muling inalala ng obispo ang pahayag ni Pope Francis sa Laudato Si, na ang sigaw ng daigdig at ang sigaw ng mahihirap ay iisa.

Aniya, kapag inaabuso at sinisira ang likas-yaman, ang pinakamahihirap ang una at labis na nagdurusa.

Nanawagan ang simbahan ng paglipat mula sa mapaminsalang industriya ng pagmimina tungo sa renewable energy, sustainable agriculture, at community-based development na may paggalang sa tao at kalikasan.

Iginiit din ni Bishop Alminaza ang pagkansela ng mining permits na may paglabag at kakulangan sa tunay na konsultasyon.

“At this critical moment, we must choose a different path, one that places life, justice, and care for creation at the center of development… Your struggle is not only for your communities. It is a struggle for the future of our planet. Together, let us defend our common home,” saad ni Bishop Alminaza.

Ngayong taon, isinasagawa ang Mining Hell Week mula March 9 hanggang 14, na may temang “Baha ng Mina, Barikada ang Depensa!”, tampok ang serye ng pagkilos sa pambansa at lokal na antas na magbibigay-diin sa mga panawagan at pakikibaka ng mga komunidad na apektado ng pagmimina.

Kaugnay ito sa paggunita tuwing Marso sa anibersaryo ng Philippine Mining Act of 1995, isang batas na sa loob ng maraming dekada ay inuuna ang kita kaysa sa kapakanan ng tao at kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 71,376 total reads

 71,376 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 106,661 total reads

 106,661 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 141,961 total reads

 141,961 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 368,230 total reads

 368,230 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 257,686 total reads

 257,686 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,894 total reads

 154,894 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top