Pagtitipid, panawagan ng Obispo sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 666 total reads

Hinimok ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga Pilipino higit na ang mga Overseas Filipino Workers at Filipino Migrants na manatiling mahinahon at huwag mangamba sa pagharap ng sambayanan sa mga suliraning kinakaharap ng ekonomiya dulot ng giyera sa pagitan ng Amerika at Iran.

Dahil sa patuloy na digmaan sa Gitnang-Silangan, halos tumaas ng 50-porsiyento ang presyo ng mga produktong petrolyo kasunod na ang pagtaas sa halaga ng mga pangunahing bilihin gayundin ang mga pampublikong serbisyo.

“Lubos kong nauunawaan ang hirap na dinaranas ng ating mga maralitang pamilya, ng ating mga migranteng manggagawa, at ng ating mga Overseas Filipino Workers na nagsusumikap sa ibang bansa para sa kanilang pamilya. Ang inyong sakripisyo ay nakikita ng Diyos at pinahahalagahan ng ating bayan. Hindi lamang ninyo pasan ang sarili ninyong hirap, kundi pati ang pangarap at pag-asa ng inyong mga mahal sa buhay,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Santos asa Radyo Veritas.

Pinaalalahahan naman ng obispo ang sambayanang Pilipino na iwasan ang mag-panick buying, makuntento sa anong kaya at meron, pag-iwas sa pamamasyal, pagkumpuni sa mga nasirang gamit sa halip na bumili ng bago at pag-ipon sa hinaharap.

Nanawagan din ang Obispo ng maayos na budget system sa tahanan, pagpapaliban sa magagarbong selebrasyon, pagtutulungan bilang komunidad, panatilihing matatag ang pamilya at manalangin para sa ikakabuti ng sambayanan.

“Mga kapatid, kilala ang Pilipino sa tibay ng loob, malasakit sa kapwa, at matibay na pananampalataya. Marami na tayong pinagdaanang pagsubok bilang isang bayan, ngunit sa tulong ng Diyos at sa ating pagkakaisa, patuloy tayong bumabangon. Huwag tayong mawalan ng pag-asa. Sa halip, gawing pagkakataon ang mga pagsubok na ito upang lalo pang mapalalim ang ating pagmamahalan at pagtitiwala sa Diyos.”
ayon pa sa mensaheng pinadala ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Dahil sa digmaan sa Gitnang Silangan, tinatayang umabot sa 200-US dollars ang presyo ng kada bariles ng mga produktong petrolyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 69,821 total reads

 69,821 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 105,237 total reads

 105,237 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 140,538 total reads

 140,538 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 366,807 total reads

 366,807 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 256,308 total reads

 256,308 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top