Mining expansions ng Filminera Resources, pinapakansela sa DENR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 586 total reads

Nanawagan ang mga residente ng Aroroy, Masbate sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na isantabi ang planong pagpapalawak ng pagmimina ng Filminera Resources Corporation katuwang ang B2Gold Corporation sa Mount Pajo.

Ayon kay Marylou Verano ng grupong Ang Aroroy ay Alagaan (4As), patuloy na nararanasan ng kanilang komunidad ang epekto ng pagmimina mula pa noong 2008, tulad ng kontaminasyon sa tubig, erosion, siltation, fish kill, at pagkawala ng kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda, pati na rin mga sakit tulad ng tuberculosis, hika, sakit sa balat, at food poisoning.

Binigyang-diin ni Verano na lalo pang malalagay sa panganib ang kabuhayan, pagkain, at kalusugan ng mga residente kapag itinuloy ang mining expansion, lalo na sa Mount Pajo na direktang makaaapekto sa mismong bayan ng Aroroy.

“Our home is not for sale! We say NO to further expansion of Filminera’s mining, especially on Mount Pajo, which will directly affect the town proper of Aroroy. They have already stripped our mountains bare and left our rivers and Port Barera polluted. We will not stand silently while they destroy Mount Pajo and our watersheds,” pahayag ni Verano.

Nanawagan din ang 4As sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na huwag isakripisyo ang kinabukasan ng susunod na henerasyon kapalit ng panandaliang kita.

Hiniling din ng grupo sa DENR na tanggihan ang expansion permit at bawiin ang umiiral na lisensya ng kumpanya, habang nananawagan ng maayos na pagpapatupad ng Social Development Management Program.

Samantala, umapela rin si Alyansa Tigil Mina national coordinator Jaybee Garganera, sa DENR na pakinggan ang hinaing ng mga residente at unahin ang kapakanan ng komunidad at kalikasan kaysa interes ng pagmimina.

Ayon kay Garganera, matagal nang dinaranas ng mga residente ang pinsalang dulot ng pagmimina at dapat nang itigil ang operasyon.

“The government must prioritize the well-being of community residents and their environment and not the interests of the mining corporation,” ayon kay Garganera.

Isinagawa ang panawagan kasabay ng “Mining Hell Week” ng mga kababaihan mula sa mga apektadong komunidad ngayong Women’s Month.

Sa Laudato Si’, mariing nagpahayag si Pope Francis ng pagtutol sa pagmimina dahil nagdudulot ito ng labis na pinsala sa kalikasan at paghihirap sa mga apektadong pamayanan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 10,781 total reads

 10,781 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 12,116 total reads

 12,116 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 25,721 total reads

 25,721 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 63,099 total reads

 63,099 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 94,369 total reads

 94,369 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 169,947 total reads

 169,947 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 262,934 total reads

 262,934 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 73,968 total reads

 73,968 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top