Pagpapalaganap ng ebanghelyo, tungkulin ng mga kristiyano-katoliko-Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 520 total reads

Iginiit ni Pope Leo XIV na hindi lamang tungkulin ng mga pari at relihiyoso ang pagpapalaganap ng Ebanghelyo kundi ng bawat binyagang mananampalataya.

Sa kanyang pagninilay sa Angelus, sinabi ng Santo Papa na kaakibat ng pagtanggap sa sakramento ng binyag ang pakikibahagi sa misyon ni Hesus sa sanlibutan.

“Every baptized person is an active agent of evangelization, called to bear consistent witness to Christ,” ayon kay Pope Leo XIV.

Ayon sa Santo Papa, ang misyong ito ay nagmumula sa biyaya ng Binyag kung saan ang bawat Kristiyano ay nagiging kabahagi sa pagiging pari, propeta at hari ni Kristo.

Paliwanag ng pastol na sa pamamagitan ng Binyag ay itinalaga ng Panginoon ang bawat tao sa mahalagang misyon kaya’t inaanyayahan ang mga mananampalataya na ipahayag ang kanilang pananampalataya sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Dagdag pa ng Santo Papa, pinagtitibay ng sakramento ng Kumpil ang ganitong pananagutan ng mananampalataya dahil sa pananahan ng Espiritu Santo.

“The Holy Spirit endows them with special strength… to spread and defend the faith, both by word and by deed,” ani ng santo papa.

Binigyang-diin din ni Pope Leo ang mahalagang papel ng buong Sambayanan ng Diyos sa pangangalaga ng katotohanan ng pananampalataya.

“The entire body of the faithful… cannot err in matters of belief… when from the bishops down to the last of the lay faithful they show universal agreement in matters of faith and morals,” giit ng pastol.

Kaugnay nito, ipinaliwanag niya ang tinatawag na sensus fidei o pakiramdam ng pananampalataya ng buong Simbahan na aniya’y mahalintulad sa pagpahintulot ng buong Simbahan, at pagkilala sa pagitan ngkatotohanan at hindi wastong usapin ng pananampalataya.

Ibinahagi rin ni Pope Leo XIV na patuloy na kumikilos ang Espiritu Santo sa bawat mananampalataya sa pamamagitan ng iba’t ibang kaloob upang mapalago ang Simbahan.

“The Holy Spirit… distributes special graces among the faithful of every rank… for the renewal and building up of the Church,” ayon sa Santo Papa.

Muling pinaalalahanan ni Pope Leo XIV ang mga mananampalataya na ang bawat binyagan ay may pananagutan sa misyon ng Simbahan, ang magbigay patotoo kay Kristo sa salita at sa gawa.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 7,752 total reads

 7,752 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 9,329 total reads

 9,329 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 20,537 total reads

 20,537 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 57,915 total reads

 57,915 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 89,185 total reads

 89,185 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 165,358 total reads

 165,358 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 258,566 total reads

 258,566 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 7,753 total reads

 7,753 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top