Digital transformation program, inilunsad ng Diocese of Tagbilaran

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 513 total reads

Pormal nang inilunsad ng Diocese of Tagbilaran ang digital transformation program nito bilang bahagi ng pagpapalawak ng misyon ng lokal na simbahan sa Bohol sa makabagong panahon.

Sa pahayag ni diocesan administrator Fr. Gerardo Saco kasabay ng pagdiriwang ng Kapistahan ni San Jose, binigyang-diin nito ang layunin ng diyosesis na higit pang mapalapit ang Simbahan sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng teknolohiya.

“We intend to reach our people in the digital space, and to serve our faithful communities, domestically and abroad, more efficiently and more effectively with the use of technology,” ayon kay Fr. Saco.

Dagdag pa ng pari, ang hakbang ay paraan ng diyosesis upang tugunan ang mga kasalukuyang hamon ng panahon lalo na sa paglawak ng teknolohiya.

“We also dare to embark towards the digital transformation of our Diocese of Tagbilaran,” ani Fr. Saco.
Ang Digital Tagbilaran ay tumutukoy sa kabuuang digital transformation initiative ng diyosesis kung saan paiigtingin ang mga manual na proseso, transaksyon, komunikasyon, at filing system sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.

Layunin nitong gawing mas mabisa ang pamamahala ng mga parokya, tanggapan, at mga ministry ng diyosesis, gayundin ang pagpapabilis at pagpapabuti ng serbisyo sa mga mananampalataya, maging sa loob ng bansa at sa ibayong dagat.

Binigyang-diin din ng pari na ang proyekto ay dumaan sa masusing needs assessment at konsultasyon noong 2025, bago tuluyang sinimulan matapos ang pinal na koordinasyon sa Presbyterium noong February 20, 2026.

Kabilang sa unang mga inilunsad sa ilalim ng programa ang diocesan website, digital canonical books, at financial management system.

Ayon pa kay Fr. Saco ito rin ay pagpapalawak ng presensya ng diyosesis sa digital space na mag-aabot hindi lamang sa mga digital natives kundi maging sa mga tinaguriang digital migrants.

Iniuugnay rin ni Fr. Saco ang inisyatibo sa halimbawa ni San Jose na kinilala sa kanyang tahimik ngunit matatag na pagsunod sa kalooban ng Diyos sa gitna ng kawalang katiyakan.

“Today, we invoke his fatherly guidance and protection as we also dare to embark…” giit ni Fr. Saco.
Binigyang-diin nito na ang digitalization ay hindi lamang modernisasyon ng sistema kundi bahagi ng patuloy na pastoral na misyon ng Simbahan, lalo na sa mas epektibong pag-abot sa mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa pagtatapos, hinikayat ni Fr. Saco ang sambayanan na tularan ang pananampalataya ni San Jose sa pagharap sa mga bagong hamon ng ebanghelisasyon.

“May the life and inspiration of St Joseph be our light and guide as we venture farther into the deep (duc in altum) to tend the Lord’s flock in our modern times,” ayon pa ni Fr. Saco.

Sa pamamagitan ng Digital Tagbilaran, inaasahang higit pang mapapalakas ang komunikasyon, pastoral services, at pakikipag-ugnayan ng Simbahan sa mga mananampalataya sa loob at labas ng bansa.

Ang programa ay pinamumunuan ni Fr. Expedito Rubio, Jr. kasama sina Fr. Milan Ted Torralba at Fr. Marcelo Operiano, Jr. para sa Governance and Compliance Committee; Fr. Heraldin Laniba at Fr. Johnson Galaura sa Engagement and Training Committee; Fr. Joel Ruyeras at Bro. Collin Galao sa Content Management Committee; at Fr. Jofel Naraga sa Admin and Finance Committee.

Katuwang ng diyosesis sa programang digitalization ang Digital Information Systems and Technologies (DISAT) sa pangunguna ni Bro. Bong Grajo.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 6,329 total reads

 6,329 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 7,988 total reads

 7,988 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 18,342 total reads

 18,342 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 55,720 total reads

 55,720 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 86,990 total reads

 86,990 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 163,341 total reads

 163,341 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 256,679 total reads

 256,679 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 6,330 total reads

 6,330 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top