Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangangalaga sa kalikasan, isang banal na tungkulin na ipinagkaloob ng panginoon-Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 388 total views

Hinikayat ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya na aktibong makiisa sa Earth Hour 2026 bilang konkretong hakbang sa pangangalaga sa kalikasan at pagpapakita ng pananampalataya sa Diyos.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng obispo na ang pangangalaga sa nag-iisang tahanan ay hindi lamang pagpipilian, kundi isang banal na tungkuling ipinagkaloob ng Diyos sa sangkatauhan.

Inaanyayahan ni Bishop Santos ang mga pamilya, parokya, at pamayanan na makibahagi sa Earth Hour ngayong Sabado, March 28, 2026, mula alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi, sa pamamagitan ng pagpatay ng mga ilaw at hindi kinakailangang electrical appliances sa mga tahanan, simbahan, at lugar ng trabaho.

“In this simple yet powerful act, we express our solidarity with one another and our commitment to protect the planet—especially in this time of environmental crisis,” pahayag ni Bishop Santos.

Iginiit din ng obispo na ang temang “Switch on Habits for Earth” ay paalala na hindi natatapos sa isang oras ang responsibilidad ng bawat isa, kundi panawagan sa tuloy-tuloy na pagbabago ng pamumuhay.

Hinimok niya ang bawat isa na paigtingin ang disiplina sa paggamit ng likas-yaman, maging responsable sa pagkonsumo, at higit na alalahanin ang kapakanan ng mahihirap na unang naaapektuhan ng pagkasira ng kapaligiran.

Dagdag pa ni Bishop Santos, ang isang oras ng kadiliman ay maaaring maging liwanag ng pag-asa na magtutulak sa mas malalim na pagninilay, tunay na pagbabagong-loob, at konkretong pagkilos para sa kalikasan.

“May we continue to build habits that sustain life, protect our environment, and preserve the beauty of God’s creation for future generations. Entrusting our efforts to the Lord, may we walk together in faith, hope, and love as stewards of His creation,” saad ni Bishop Santos.

Kaugnay nito, isasagawa ng Radyo Veritas ang “Ang Banal na Oras para sa Kalikasan: Earth Hour 2026 Special,” mula alas-8:00 hanggang alas-10:00 ng gabi.

Tampok dito ang isang oras na pagpapatay ng mga ilaw, na sasabayan ng pagdarasal ng Santo Rosaryo, at mga talakayan hinggil sa kalagayan ng iba’t ibang sektor na apektado ng suliranin sa kapaligiran.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng Climate Change Commission (CCC), Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP), Diocese of Lucena—Ministry on Ecology, at Alyansa Tigil Mina (ATM).

Mapapakinggan ang programa sa DZRV 846 AM at mapapanood sa DZRV846 Facebook page, Veritas PH YouTube channel, at Veritas TV Sky Cable Channel 211.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 3,338 total views

 3,338 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 70,826 total views

 70,826 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 91,891 total views

 91,891 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 114,816 total views

 114,816 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 152,247 total views

 152,247 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top