CMSP, nanawagan ng malalim na pagninilay at makataong pagsasagawa ng pan-relihiyong tradisyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,863 total reads

Nanawagan ng mas malalim na pagninilay at makataong pagsasagawa ng mga tradisyong panrelihiyon si Fr. Angel Cortez, OFM, co-execuitive secretary ng Conference of Major Religious Superiors in the Philippines (CMSP), kaugnay sa naging kontrobersyal na insidente sa Salubong sa isang parokya sa Concepcion, Malabon.

Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Fr. Cortez na bagama’t mahalaga ang kabanalan ng mga liturhikal na pagdiriwang, kinakailangang ito ay laging kaayon ng malasakit, pag-aaruga, at paggalang sa lahat ng nilikha ng Diyos.

Ayon sa pari, ang mga simbolo sa pananampalataya—gaanuman kahalaga—ay hindi dapat maging sanhi ng paglabag sa dignidad at kapakanan ng alinmang nilalang.

“Sa diwang Franciscano, tinatawag tayong kilalanin ang lahat ng nilikha bilang ating mga kapatid, na ipinagkatiwala sa ating pangangalaga,” pahayag ng pari sa panayam ng Radyo Veritas.

Iginiit din nito na ang nangyaring insidente ay hindi dapat maging sanhi ng pagtatalo kundi magsilbing paanyaya sa bukas na diyalogo sa loob ng Simbahan.

Dagdag pa ni Fr. Cortez, mahalaga ang pakikinig at sama-samang pagninilay upang matiyak na ang mga gawain ng Simbahan ay tunay na sumasalamin sa Ebanghelyo ng awa, paggalang, at buhay.

Naniniwala ang pari na sa pamamagitan ng mas maingat at mapagkalingang pagpapahayag ng mga simbolo, mapananatili ang yaman ng tradisyon kasabay ng pananagutan sa pangangalaga sa kalikasan.

“Nawa’y magbunga ito hindi ng pagkakahati, kundi ng mas malalim na katapatan sa Diyos na naroroon sa lahat ng Kanyang nilikha,” ayon kay Fr. Cortez.

Humingi na ng paumanhin ang Diocesan Shrine and Parish of the Immaculate Conception, Malabon matapos ang insidente ng kalapating ikinabit sa mga lobo sa Salubong, kung saan inamin ng rektor at kura paroko ng dambana, Fr. Mariano “Jun” Bartolome, ang pagkukulang at humingi ng tawad sa mga mananampalataya at kay Pablo Virgilio Cardinal David.

Bagama’t matagal nang tradisyon ang paggamit ng buhay na kalapati, kinilala ng parokya ang pagkakamali sa nangyari—na binatikos din ni Cardinal David bilang kalupitan sa hayop—at iginiit na dapat isagawa ang mga tradisyong panrelihiyon nang may paggalang sa lahat ng nilikha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 16,885 total reads

 16,885 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 54,740 total reads

 54,740 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 72,950 total reads

 72,950 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 157,279 total reads

 157,279 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 193,861 total reads

 193,861 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 80,260 total reads

 80,260 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top