Pagkalinga sa kapwa, tungkulin ng bawat binyagang Kristiyano-Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,105 total reads

Pinaalalahanan ni Pope Leo XIV ang bawat isa sa pananagutan na pangalagaan ang kapwa, lalo na ang mga bata at mahihina.

Sa kanyang pagbisita sa Ngul Zamba Orphanage sa Cameroon, binigyang-diin ng Santo Papa na tungkulin ng mga binyagan ang pagkalinga sa kapwa sa gitna ng pagkakaiba-iba ng kultura at antas ng buhay.

“In a world often marked by indifference and selfishness, this home reminds us that we are the ones who need to look after our brothers and sisters, and that, in God’s great family, no one is ever a stranger or forgotten, no matter how small he or she may be,” pahayag ni Pope Leo XIV.

Inilarawan ng pastol ang ampunan bilang isang tunay na tahanan kung saan ang mga bata ay tinatanggap ng Diyos bilang Kanyang mga anak.

“Here, above all, it is our Heavenly Father who welcomes you with love as his children… Indeed, you form a true family here,” ayon sa Santo Papa.

Dagdag pa ng pastol, si Hesus ang “eldest brother” na nagbibigay-lakas upang harapin ang mga pagsubok at maranasan ang tunay na kagalakan sa buhay.

Kinilala rin ni Pope Leo XIV ang mga sugat na dinadala ng mga bata kabilang na ang pagkawala, takot, at pag-abandona, ngunit iginiit na hindi ito ang magtatakda ng kanilang kinabukasan.

“You are called to a future that is greater than your wounds. You are bearers of a promise. God is present… and is very close to you,” giit ng Santo Papa.

Kinilala at pinasalamatan rin ng Santo Papa ang mga tagapangalaga ng mga bata tulad ng mga madre, guro, kawani, at boluntaryo, bilang mga buhay na patotoo ng pag-ibig ng Diyos.

“Through your patience and dedication, you offer much more than mere material support: you offer these children a presence, a listening ear, a family, and a future,” aniya.

Ipinagkatiwala ni Pope Leo ang lahat sa pangangalaga ng Mahal na Birheng Maria, na patuloy na gumagabay, nagbibigay ng aliw, at umaakay sa bawat isa tungo kay Hesus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 38,222 total reads

 38,222 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 88,607 total reads

 88,607 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 136,478 total reads

 136,478 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 240,426 total reads

 240,426 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 324,560 total reads

 324,560 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top