Donation drive para sa mga apektado ng mataas na oil price hike, inilunsad ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,703 total reads

Umaapela ang Caritas Manila ng tulong para sa mga bulnerableng sektor na lubhang apektado sa pasakit na dulot ng krisis sa ekonomiya na likha ng sobra-sobrang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Tinukoy ng Caritas Manila ang matinding pasanin ng transport sector, mga drivers, magsasaka at mangingisda.

Nanawagan ang Caritas Manila ng donasyon sa mga Pilipino na gagamitin sa pamamahagi ng 2-libong pisong gift certificate sa mga matutukoy na benepisyaryo.

Hangad ng Caritas Manila na matulungan ang mga manggagawa sa nasabing sektor upang mabili ang pangunahing pangangailangan sa gitna ng patuloy na pagtaas sa halaga ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

“𝐒𝐚 𝐡𝐚𝐫𝐚𝐩 𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐫𝐚𝐩…𝐡𝐚𝐛𝐚𝐠. Sa gitna ng krisis na dulot ng digmaan sa Gitnang Silangan, nais ng Caritas Manila na tulungan ang mga Pilipinong nasa laylayan. Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, magpapaabot ang Caritas Damayan ng tulong na nagkakahalaga ng P2,000 na gift certificate para sa bawat pamilyang higit na nangangailangan—mga drayber, mangingisda, at magsasaka. Ito ay magiging posible sa inyong tulong at kabutihang loob,” ayon sa mensahe ng Caritas Manila.

Sa mga nais makiisa sa inisyatibo, bisitahin ang official facebook page at website ng social arm ng Archdiocese of Manila.

Sinabi ng Caritas Manila na maari ding bumili ng donation voucher sa Lazada ang mga makikiisa sa donation sa drive

‘“Upang makapag-donate, maaaring magpadala sa pamamagitan ng bank transfer sa Caritas Manila Inc. sa BDO, BPI, Metrobank, o RCBC accounts. Maaari ring gamitin ang QR code para sa mas mabilis na transaksyon. Para sa wastong pagkilala ng donasyon, hinihikayat ang mga donor na magpadala ng kopya ng kanilang deposit slip sa Viber, Messenger, o email ng Caritas Manila. Bukod dito, maaari ring bumili ng donation vouchers sa Lazada.”’ bahagi pa ng mensahe ng Caritas Manila.

Sa kasalukuyan, umaabot sa 120-piso kada litro ang presyo ng gasoline, nasa 170-piso naman ang litro ng diesel at 150-pesos naman ang kada litro ng kerosene.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 32,622 total reads

 32,622 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 83,360 total reads

 83,360 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 131,231 total reads

 131,231 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 235,179 total reads

 235,179 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 319,613 total reads

 319,613 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top