Blessed are the peacemakers, pastoral appeal ng FABC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,099 total views

Nanawagan ng mas malalim na pananagutan para sa kapayapaan, katarungan, at moralidad ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) kasunod ng apela ng Kanyang Kabanalan Leon XIV sa gitna ng lumalalang pandaigdigang tensyon at karahasan.

Sa pastoral appeal na “Blessed are the Peacemakers”, na nilagdaan nina FABC President Cardinal Filipe Neri Ferrao, Vice President Cardinal Pablo Virgilio David, at Cardinal Isao Kikuchi, SVD, binigyang-diin ng mga lider ng simbahan na ang panawagan ng Ebanghelyo sa pagiging tagapamayapa ay hindi lamang mithiin kundi isang moral na obligasyon ng lahat.

“In a time when the fragility of international law and the weakening of global institutions are becoming increasingly evident, the temptation is strong to fall back on the logic of power—on force, deterrence, and domination,” pahayag ng FABC.

Binigyang-diin ng kapulungan ang panawagan ni Papa Leon na hindi dapat gamiting katwiran ang pananampalataya para bigyang-katwiran ang digmaan, at binigyang babala na ito ay pagbaluktot sa diwa ng Ebanghelyo.

“His words are not those of political partisanship, but of moral and spiritual leadership, exercised in fidelity to the Gospel,” ayon sa FABC.

Hinimok ng mga kardinal ang mga bansa na igalang ang international law at makataong pamantayan, at piliin ang “moral diplomacy” na nakabatay sa dignidad ng tao, sa halip na kapangyarihan o pananakot.

Ayon sa FABC, malinaw ang aral ng Asya mula sa kasaysayan nito ng digmaan at pagkakahati-hati, kung saan ang kapayapaan ay bunga ng tiyaga, diyalogo, at katarungan, hindi ng dominasyon.

Hinikayat din ng kapulungan ang lahat ng mananampalataya at may mabuting kalooban na magkaisa sa panalangin at pagkilos para sa mundong pinaiiral ang karunungan at tiwala, sa halip na takot at dahas.

“As a Church that is called to be a sign and instrument of unity for the whole human race, we believe that we cannot remain silent. Our mission is not to wield power, but to form consciences, to speak truth, and to keep alive the hope that peace is possible,” giit ng FABC.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 30,964 total views

 30,964 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 59,315 total views

 59,315 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 127,045 total views

 127,045 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 150,196 total views

 150,196 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 218,104 total views

 218,104 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top