Kapayapaan, hindi makakamit sa lakas at dahas-Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,857 total views

Nanawagan si Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo ng tunay at pangmatagalang kapayapaan sa gitna ng umiigting na tensyon at mga digmaan sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa kanyang liham pastoral, mariing tinuligsa ng obispo ang paniniwalang makakamit ang kapayapaan sa pamamagitan ng lakas at dahas.

Giit ng obispo, hindi sapat ang mga tigil-putukan sa pagkakamit ng kapayapaan kundi ang mahinahong dayalogo tungo sa paghilom at pagkakasundo.

“Maaaring magdala ng pansamantalang katahimikan at tigil-putukan ang pagdurog sa iba, pero hindi ito magdadala ng tunay at pangmatagalang kapayapaan,” ayon sa pahayag ni Bishop Pabillo.

Binigyang-diin ng obispo na ang ganitong uri ng kapayapaan ay panlabas lamang at nagkukubli ng “panloob na galit at pagngingitngit na sisiklab uli sa panahong hindi inaasahan.”
Iginiit ni Bishop Pabillo na ang kapayapaan ay hindi bunga ng pananakot kundi ng tiwala at paggalang.

“Huwag po tayong maniwala na ang kapayapaan ay madadala ng lakas at ng dahas. Ang kapayapaan ay matatagpuan lamang sa pag-uusap na may tiwala at paggalang sa isa’t isa,” ayon sa obispo.

Kaugnay nito, sinuportahan ng obispo ang panawagan ni Pope Leo XIV na pairalin ang dayalogo kaysa sa digmaan.

Batid ng pastol na mas lalong lumalala ang kaguluhan at karahasan kung paiiralin ang dahas.

“Sa lahat ng labanan sa buong mundo, hindi naman ang bomba o ang sandata ang nagdala ng kapayapaan kundi ang negosasyon,” giit ni Bishop Pabillo.

Tinuran ni Bishop Pabillo na kailanman ay walang sinuman ang tunay na nagwawagi sa digmaan kundi nagdudulot lamang ito ng pagkawasak ng lipunan, pagkasawi ng mamamayan lalo na ng mga inosenteng sibilya, at higit sa lahat ang pandaigdigang krisis sa ekonomiya.

“Sa digmaan, walang nananalo, kundi lahat ay talunan… hindi lamang ng mga bansang naglalabanan kundi ng buong sangkatauhan. Nararanasan na natin ito ngayon sa pagtataas ng mga presyo ng pamasahe at ng mga bilihin. Pinahihirapan ang buhay natin ng anumang digmaan sa saanmang panig ng daigdig,” ayon pa sa obispo.

Hinimok ni Bishop Pabillo ang mga mananampalataya na makiisa sa panalangin para sa kapayapaan. “Makiisa po tayo… na manawagan ng kapayapaan… huwag nating hayaan na ang tinig ng kapayapaan ay malunod ng mga pagsabog ng mga bomba.”

Pinayuhan din ng pastol ang mananampalataya na magpatuloy sa pagrorosaryo at pagtawag sa Mahal na Birheng Maria bilang Reyna ng Kapayapaan, kalakip ang paniniwala sa kapangyarihan ng panalangin.

Iginiit ni Bishop Pabillo ang hamon ng Ebanghelyo, “Mapalad ang gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat sila ay ituturing na mga anak ng Diyos.

Aniya, ang pagtanggi sa dahas, pagsusulong ng dayalogo, at taimtim na panalangin ang landas tungo sa tunay na kapayapaan sa mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 24,036 total views

 24,036 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 52,387 total views

 52,387 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 120,117 total views

 120,117 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 143,268 total views

 143,268 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 211,704 total views

 211,704 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top