Deboto ni Our Lady of Manaoag, kinilala ni Archbishop Villegas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 524 total views

Nagpasalamat si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa libu-libong debotong dumalo at nakiisa sa Pontifical Mass para sa ika-100 anibersaryo ng Canonical Coronation ng Nuestra Señora del Rosario de Manaoag.

Sa kanyang homiliya, kinilala ni Archbishop Villegas ang sakripisyo ng mga debotong dumalo, kabilang ang mga nasa labas ng simbahan na nagtiyagang makiisa sa pagdiriwang sa kabila ng init ng panahon.

Iginiit ng arsobispo na pantay-pantay ang lahat sa harap ng Diyos at ng Mahal na Birhen, at hindi hadlang ang sikip ng simbahan upang maranasan ang pag-aaruga ng isang ina.

“Maraming maraming salamat po sa inyong sakripisyo. Hindi po kayo kapatid sa labas. Tayo po ay pantay-pantay na kapatid. Langan lamang ay masikip yung simbahan. Pero tinitiyak ko po sa inyo, hindi po masikip ang puso ng ina para papasukin tayong lahat. At alam po ng Mahal na Birhen ang sakripisyo ninyo kahit kayo ay nasa labas ng basilika,” pahayag ni Archbishop Villegas.

Pinagnilayan ni Archbishop Villegas ang pagkakatawang-tao ng Salita ng Diyos, kung saan binigyang-diin niya na ang tunay na pag-unawa sa mensahe ng Diyos ay hindi lamang nakasalalay sa isip o pandinig, kundi higit sa lahat sa puso.

Aniya, tulad ng Mahal na Birhen, maaaring hindi agad maunawaan ang kalooban ng Diyos, ngunit sa pamamagitan ng pusong nakikinig ay nagkakaroon ng pananampalataya at pagtugon.

Binigyang pansin din ni Archbishop Villegas ang bahagi ng Ebanghelyo kung saan nilisan ng anghel ang Birhen matapos nitong tanggapin ang kalooban ng Diyos—isang karanasang inihalintulad niya sa mga sandaling tila walang tugon ang Diyos sa panalangin ng tao.

Sa kabila nito, hinikayat niya ang mga mananampalataya na kumapit sa alaala ng tinig ng Diyos na minsan nang narinig sa kanilang buhay.

Ayon sa arsobispo, bagamat maaaring dumaan sa pagsubok, pagdurusa, at katahimikan, nananatili ang presensya ng Diyos sa pamamagitan ni Hesus na isinilang ng Birhen.

“Tandaan natin, kahit iwanan tayo ng anghel, kahit walang bulong sa puso, kahit hindi na maintindihan ng ating isip…Pwede pa rin nating sabihin, narinig ko na ang tinig mo
minsan man lamang sa aking buhay,” ayon kay Archbishop Villegas.

Nanalangin si Archbishop Villegas sa Mahal na Birhen ng Manaoag na patuloy na akayin ang mga deboto patungo kay Hesus, lalo na sa mga panahong hindi na maunawaan ang pinagdaraanan ng buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 33,775 total views

 33,775 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 61,780 total views

 61,780 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 79,580 total views

 79,580 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 78,232 total views

 78,232 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 188,159 total views

 188,159 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 11,351 total views

 11,351 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top