Simbakuran, inilunsad ng Diocese of Cubao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,377 total reads

Inilunsad ng Diocese of Cubao ang “Simbakuran” upang tugunan ang lumalalang kahirapan at laganap na kahirapan.

Layon ng Simbakuran na pag-isahin ang mga simbahan at bakuran ng mga pamilyang Pilipino na magkaroon ng taniman ng gulay at prutas.

Inihayag ni running Priest Father Robert Reyes na malaking tulong sa kabuhayan ng mga mahihirap na pamilya ang urban farming.

Ayon kay Fr.Reyes, sa halip na bumili ng gulay sa palengke ay maaring anihin ito sa sariling bakuran at ibenta kapag sobra sa pangangailangan.

Itinuturo din sa mamamayan ang waste management at composting upang gawing pataba ang basura—isang hakbang na nagpapababa ng gastos sa produksyon at nagtataguyod ng sustainable na kabuhayan.
“Kung lahat ng parokya ay lalahok, matutupad ang aming motto: magtanim upang may makain, upang may kanin. Hindi lang ito simpleng pagtatanim, kundi isang konkretong paraan upang matugunan ang kagutuman sa komunidad. Sa pamamagitan ng urban farming, natututo ang mga tao na gamitin ang kanilang bakuran bilang pinagkukunan ng pagkain. Nabawasan na ang gastusin, nagkakaroon pa ng dagdag na ani na maaaring ibahagi o ibenta. Ito ay isang hakbang tungo sa mas matatag at self-sufficient na pamumuhay,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Father Reyes.

Iginiit ni Fr.Reyes na ang programa ay panlaban sa “ayuda mentality” na umaasa lamang sa tulong pinansiyal mula sa pamahalaan sa halip na magsariling sikap sa pagtatanim.

Nilinaw ng pari na isinusulong sa Simbakuran program ang prinsipyong “Magsaka!, di Ayuda!,”kung saan hinihikayat ang mga mamamayan na maging masinop at produktibo, gamit ang kahit maliit na espasyo tulad ng mga pader at bubong para sa vertical gardening.
“Ang aming panawagan ay magsaka, di ayuda. Hindi namin sinasabing mali ang ayuda, pero hindi ito dapat maging pangmatagalang sandalan ng mamamayan. Kahit sa siyudad, pwedeng magtanim gamit ang maliit na espasyo tulad ng pader at bubong. Sa ganitong paraan, natututo ang bawat pamilya na umasa sa sariling kakayahan at hindi lamang sa tulong ng gobyerno. Kapag pinagsama ang sipag, kaalaman, at pananampalataya, nagiging posible ang isang komunidad na may sapat na pagkain at hindi nagugutom,” bahagi pa ng panayam kay Fr.Reyes.

Ipinaliwanag ng Pari sa mamamayan na anumang ayudang matatanggap mula sa gobyerno ay maaring gamiting puhunan upang palawakin ang urban farming sa kanilang tahanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 48,485 total reads

 48,484 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 134,985 total reads

 134,985 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 178,022 total reads

 178,022 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 227,781 total reads

 227,781 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 386,824 total reads

 386,824 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top