Pagsasabatas sa Rights of Nature bill, panawagan ng AKP sa kongreso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,166 total reads

Nanawagan ang Aksyon Klima Pilipinas (AKP) sa Kongreso na agarang isulong ang Rights of Nature Bill upang kilalanin ang kalikasan bilang may sariling karapatan sa gitna ng lumalalang krisis sa kapaligiran.

Ayon sa grupo, ang panukala—na saklaw ang ilang bersyon ng House Bills—ay maaaring maging makasaysayang batas na magtatama sa matagal nang pagtrato sa kalikasan bilang simpleng pinagkukunan ng yaman.

“Its potential as a landmark piece of legislation… would represent a significant step forward for the Philippines in ecological protection, conservation, and restoration,” pahayag ng AKP.

Binigyang-diin ng koalisyon na napapanahon ang panukala sa gitna ng sunod-sunod na proyekto at imprastrukturang pumipinsala sa kalikasan, kabilang ang flood control project na hindi naging epektibo at pinagmulan pa ng katiwalian.

Ipinaliwanag ng AKP na may batayan ang pagkilala sa karapatan ng kalikasan sa ilalim ng Republic Act No. 11995 o Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System (PENCAS) Act, ngunit kailangan itong palawakin sa pamamagitan ng hiwalay at mas malinaw na batas.

“This means that the enactment of a standalone Rights of Nature Act can be interpreted as expounding on this provision, aligned with maintaining policy coherence,” ayon sa grupo.

Kasabay nito, hinikayat ng AKP ang mas maingat na pagpapatupad ng renewable energy projects sa ilalim ng Renewable Energy Act of 2008, na anila’y dapat nakabatay sa siyensya, konsultasyon, at paggalang sa mga sensitibong ecosystem.

Nagbabala rin ang grupo sa ilang bahagi ng panukala, lalo na sa hindi malinaw na kahulugan ng “commodification,” na maaaring maging hadlang sa pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan para sa pagtugon sa climate change.

“The text must be revised to prevent conflicts… and work in synergy with critical environmental and climate approaches,” saad ng AKP.

Iminungkahi rin ng koalisyon ang pagtatatag ng “ecological hierarchy of needs,” pagpapalawak ng mga “no-go zones” tulad ng protected areas at ancestral domains, at pagbibigay ng proteksyon sa mga environmental defenders laban sa red-tagging.

Para sa AKP, ang pagpasa ng panukala ay hindi lamang reporma sa polisiya kundi isang mahalagang hakbang upang matiyak ang kinabukasan ng kalikasan at ng susunod na henerasyon ng mga Pilipino.

Sa gitna ng panawagan para sa batas na kikilala sa karapatan ng kalikasan, nananatiling paalala ng simbahan, sa diwa ng Laudato Si’ ni Pope Francis, na ang pangangalaga sa daigdig ay isang moral na obligasyon ng sangkatauhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 99,152 total reads

 99,152 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 135,938 total reads

 135,938 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 166,513 total reads

 166,513 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 215,353 total reads

 215,353 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 276,945 total reads

 276,945 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 54,683 total reads

 54,683 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top