Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kaligtasan ng mamamayan laban sa “hantavirus”, panalangin ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,843 total views

Nagbabala ang World Health Organization (WHO) kaugnay ng patuloy na banta ng hantavirus, isang sakit na mula sa mga daga at maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon at pagkamatay sa tao.

Kasunod ito ng pagkasawi ng tatlong indibidwal sa isang cruise ship sa Atlantic Ocean, habang patuloy na iniimbestigahan ng mga opisyal sa kalusugan ang mga naitalang kaso ng naturang viral infection.

Ayon sa WHO, naipapasa ang hantavirus sa tao sa pamamagitan ng direktang pagkakadikit sa ihi, laway, o dumi ng mga dagang may impeksiyon, lalo na sa mga lugar na marumi, sarado, o matagal nang pinamumugaran ng peste.

“The disease begins with flu-like symptoms but may rapidly progress to severe respiratory or kidney complications depending on the virus involved,” ayon sa WHO.

Ipinaliwanag ng ahensya na sa mga bansa sa North at South America, maaari itong humantong sa hantavirus cardiopulmonary syndrome o HCPS—isang mapanganib na kondisyon na umaatake sa baga at puso at may case fatality rate na maaaring umabot sa kalahati ng mga kaso.

“Although uncommon globally, hantavirus infections remain a major public health concern because of their potential severity and high case fatality in some regions,” dagdag pa ng WHO.

Batay sa tala ng WHO, tinatayang nasa 10,000 hanggang mahigit 100,000 kaso ng hantavirus infection ang naitatala sa buong mundo kada taon, kung saan pinakamataas ang bilang ng mga kaso sa Asia at Europe.

Binigyang-diin din ng organisasyon na wala pang lisensyadong bakuna o antiviral treatment laban sa sakit kaya nananatiling mahalaga ang maagang pagkilala sa sintomas at agarang suportang medikal.

Dahil dito, hinimok ng WHO ang publiko na paigtingin ang kalinisan sa tahanan at komunidad, iwasan ang direktang pagkakalantad sa mga daga, at agad magpakonsulta sakaling makaranas ng lagnat, pananakit ng katawan, hirap sa paghinga, o iba pang kahina-hinalang sintomas.

Ipinapanalangin naman ng Simbahan ang kaligtasan ng lahat sa banta ng mga umiiral na nakahahawang sakit, kasabay ng panawagan para sa pagkakaisa, malasakit, at sama-samang pananagutan sa pangangalaga sa buhay ng bawat isa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 7,409 total views

 7,409 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 30,431 total views

 30,431 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 69,925 total views

 69,925 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Sapat na kanin sa mesa

 85,048 total views

 85,048 total views Mga Kapanalig, hindi maaaring mawala ang kanin sa mesa ng bawat pamilyang Pilipino, kaya mahalagang tiyaking sapat ang suplay ng bigas sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top