6.0 magnitude na lindol, nag-iwan ng structural cracks sa mga simbahan sa Eastern Samar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,138 total reads

Nag-iwan ng pinsala sa ilang parokya sa Eastern Samar ang 6.0 magnitude earthquake na tumama nitong Lunes, ikaapat ng Mayo, batay sa mga ulat mula sa social arm ng Diocese of Borongan at mga lokal na opisyal.

Ayon kay Caritas Borongan Director Fr. James Abella, may mga simbahan at kapilya na nagkaroon ng bitak sa pader at natanggalan ng kisame.

Sa San Pedro Calungsod Quasi-Parish sa Barangay San Eduardo “Bolo”, Oras, naputol ang mga kamay ng imahen ni Hesukristo sa altar dahil sa lakas ng pagyanig.

“May mga structural cracks at damages na nakita sa ilang simbahan at chapels, kabilang ang aming tanggapan sa Caritas Borongan,” ayon kay Fr. Abella.

Batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naganap ang tectonic earthquake bandang alas-2:09 ng hapon, na ang lokasyon ng epicenter ay siyam na kilometro hilagang-kanluran ng San Julian at may lalim na 10 kilometro.

Naitala ang Intensity 5 sa mga bayan ng Can-avid sa Eastern Samar; Dulag at Alangalang sa Leyte; at Gandara sa Samar, habang naramdaman din ang pagyanig sa ilang bahagi ng Southern Leyte, Sorsogon, Masbate, Iloilo, at Davao Occidental.

Ayon pa sa Phivolcs, nasa 29 na bayan at lungsod sa Eastern Visayas ang itinuturing na bulnerable sa lindol dahil sa Philippine Fault Zone at iba pang fault lines.

Sa kasalukuyan, wala pang naitatalang casualty ngunit patuloy ang paalala ng mga kinauukulan sa publiko na maging handa sa posibleng aftershocks.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 31,088 total reads

 31,088 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 97,146 total reads

 97,146 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 116,450 total reads

 116,450 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 194,837 total reads

 194,837 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 237,546 total reads

 237,546 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 115,613 total reads

 115,613 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top