Donation drive, inilunsad ng Caritas Sorsogon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,021 total reads

Naglunsad din ng donation drive ang social arm ng Diocese of Sorsogon upang makatulong sa pagtugon sa pangangailangan ng mga pamilyang napilitang lumikas bunsod ng patuloy na pagliligalig ng Bulkang Mayon.

Sa panawagan ng Caritas Sorsogon, hinikayat ang mga mananampalataya, religious organizations, at mga parokya sa diyosesis na makiisa sa pagbibigay ng tulong para sa mga evacuees na kasalukuyang nananatili sa mga evacuation center.

“Let us extend our support in light of the ongoing Mayon Volcano eruption,” ayon sa Caritas Sorsogon.

Kabilang sa agarang pangangailangan ng mga apektadong pamilya ang face masks, inuming tubig, at pagkain habang nagpapatuloy ang banta ng aktibidad ng bulkan.

Maaari ring magbigay ng cash donations sa PNB account ng Roman Catholic Bishop of Sorsogon sa account number na 253270002328.

Para naman sa in-kind donations, maaaring ihatid ang mga tulong sa mga itinakdang drop-off points sa mga parokya ng bikarya ng diyosesis, kabilang ang Sts. Peter & Paul Cathedral Parish sa Sorsogon City; St. Anthony of Padua Parish sa Gubat; St. Michael the Archangel Parish sa Irosin; Immaculate Conception Parish sa Bulan; Our Lady of the Pillar Parish sa Pilar, o kaya’y sa pinakamalapit na simbahan.

Para sa karagdagang detalye, maaaring makipag-ugnayan kay Caritas Sorsogon executive director, Fr. Ruel Lasay, CRS sa numerong 0917-628-2031.

Nanawagan naman ang Simbahan sa publiko na ipagpatuloy ang pakikiisa, panalangin, at konkretong pagtulong sa mga komunidad na apektado ng kalamidad.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 4,283 total reads

 4,283 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 15,083 total reads

 15,083 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 87,282 total reads

 87,282 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 173,783 total reads

 173,783 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 216,817 total reads

 216,817 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 265,886 total reads

 265,886 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 193,430 total reads

 193,430 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top