Tagapangalaga ng mga heritage site sa Albay at Eastern Samar, pinaalalahanan ng NHCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,807 total reads

Naglabas ng paalala at babala ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa mga tagapangalaga ng mga heritage site kasunod ng pagliligalig ng Bulkang Mayon sa Albay at 6.1 magnitude na lindol sa Eastern Samar.

Hinimok ng komisyon ang mga tagapangalaga ng mga simbahan, lumang gusali, museo, at iba pang pamanang istruktura na huwag basta pumasok sa mga napinsalang gusali nang walang pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang opisyal sa lugar at mga dalubhasa upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

“Please do not attempt to enter damaged structures without prior coordination with local authorities, and only after confirming that aftershocks have ceased and the area is deemed safe. Your safety is paramount,” paalala ng NHCP.

Pinaalalahanan din ng komisyon ang mga namamahala sa mga heritage site na tiyaking ligtas at maayos na nababantayan ang paligid ng mga apektadong istruktura upang maiwasan ang pagpasok ng mga taong walang pahintulot, magnanakaw, at mga namiminsala ng mga makasaysayang istruktura.

Binigyang-diin din ng NHCP ang kahalagahan ng pagdodokumento sa mga napinsalang cultural objects at agarang pagsagip sa mga movable heritage items upang maiwasan ang mas matinding pinsala dulot ng aftershocks, malalakas na pag-ulan, o pagnanakaw.

Nagbabala rin ang NHCP sa publiko na maging maingat sa mga ibinabahaging larawan sa social media dahil maaari itong magamit ng mga mapagsamantala at iba pang may masamang intensyon laban sa mga pamanang lugar.

“Your personal safety is of utmost concern. Again, do not attempt to enter damaged buildings without consultation and coordination with site administrators and experts,” giit ng NHCP.

Nakasaad sa katuruang panlipunan ng Simbahan na ang pangangalaga sa kasaysayan, kultura, at kalikasan ay isang sama-samang pananagutan para sa kabutihang panlahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mas malusog na Pilipino?

 26,470 total reads

 26,470 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 58,616 total reads

 58,616 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 124,671 total reads

 124,671 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 143,974 total reads

 143,974 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 220,987 total reads

 220,987 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 116,662 total reads

 116,662 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top