Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Impeachment process laban kay VP Duterte, hindi persecution-bishop Bagaforo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,952 total views

Binigyang diin ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang kahalagahan ng pananagutan, transparency, at pagtalima sa katotohanan ng mga opisyal ng pamahalaan.

Ito ang bahagi ng pahayag ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Interreligious Dialogue kaugnay sa posibleng impeachment kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Bishop Bagaforo na siya ring convenor ng InterReligious Leaders’ Council for National Transformation, hindi dapat katakutan o husgahan ang impeachment process sapagkat ito ay isang demokratiko at konstitusyonal na mekanismo upang tiyakin na mapanagot ang mga opisyal na pinagkatiwalaan ng kapangyarihan ng mamamayan.

“The ongoing impeachment proceedings against Vice President Sara Duterte should not be feared nor prematurely condemned. Impeachment is not persecution. It is a constitutional and democratic process designed precisely to ensure that public officials entrusted with immense power remain accountable to the people.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Binigyang-diin ng Obispo, na kung walang kasalanan ang bise presidente, ang proseso ng impeachment ang pinaka-naaangkop na pagkakataon upang malinawan ang publiko at mabunyag ang katotohanan.

“If the Vice President is truly innocent of the allegations raised against her, then this process becomes the proper and honorable avenue for her to clear her name and vindicate herself before the Filipino people. Truth is never threatened by transparency.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Inihayag din ni Bishop Bagaforo ang pagkabahala sa patuloy na mababang ranggo ng Pilipinas sa usapin ng public sector integrity base batay sa ulat ng Transparency International noong 2025, kung saan binanggit ang mga suliranin kaugnay ng korapsyon, pang-aabuso sa kapangyarihan, political patronage, at mahinang accountability mechanisms.

Ipinaalala rin nito na bahagi ng obligasyon ng Pilipinas bilang state party sa United Nations Convention against Corruption ang pagsusulong ng integridad, transparency, at pananagutan sa pamahalaan.

“At a time when the Philippines continues to struggle with deepening public distrust and widespread perceptions of corruption across many levels of government, it is imperative that our highest public officials demonstrate accountability, transparency, and fidelity to truth.” Ayon pa kay Bishop Bagaforo.

Iginiit din ni Bishop Bagaforo na mahalagang pahintulutan ang maayos, patas, at transparent na pag-usad ng proseso upang manaig ang katotohanan at hustisya, na hindi dapat na ituring na isang uri ng destabilisasyon.

“Accountability is not political harassment. Justice is not destabilization. They are the very foundations upon which public trust and national transformation are built,” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Hinimok naman ni Bishop Bagaforo ang lahat ng sektor ng lipunan na pairalin ang paggalang sa mga demokratikong institusyon at suportahan ang mapayapang pagtalakay sa usapin para sa ikabubuti ng bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 6,654 total views

 6,654 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 29,676 total views

 29,676 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 69,170 total views

 69,170 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Sapat na kanin sa mesa

 84,392 total views

 84,392 total views Mga Kapanalig, hindi maaaring mawala ang kanin sa mesa ng bawat pamilyang Pilipino, kaya mahalagang tiyaking sapat ang suplay ng bigas sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Malaking kilos-protesta, itinakda ng IRLCNT

 11,808 total views

 11,808 total views Inanunsiyo ng Inter-Religious Leaders Council for National Transformation (IRLCNT) ang nakatakdang pagsasagawa ng malaking kilos-protesta laban sa korapsyon at political dynasty sa bansa

Read More »
Scroll to Top