Paghahanda sa Laudato Si week 2026, kasado na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,245 total reads

Nagkaisa ang Green Convergence at Laudato Si’ Movement Pilipinas sa panawagang palalimin ang kamalayan at pagkilos para sa pangangalaga sa kalikasan bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Laudato Si’ Week 2026.

Sa isasagawang Kamayan Para sa Kalikasan forum sa ika-15 ng Mayo, tatalakayin ang temang “Anticipating Laudato Si’ Week: From Hope to Action,” na layong hikayatin ang publiko na gawing kongkretong pagkilos ang panawagan ni Pope Francis para sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan.

Ayon sa Green Convergence at LSM Pilipinas, magsisilbing plataporma ang online forum upang maipakilala ang mga nakahanay na gawain para sa taunang paggunita sa ika-11 taong anibersaryo ng paglalathala ng Laudato Si’ mula ika-17 hanggang ika-24 ng Mayo.

“In anticipation of this year’s celebration of Pope Francis’ encyclical, we invite everyone to join us in learning more about the week-long lineup of activities and the different ways we can take part,” ayon sa dalawang organisasyon.

Kabilang sa mga inaasahang resource speakers sina LSM President Naderev ‘Yeb’ Saño, LSM Pilipinas Chapter Coordinator Sr. Elizabeth ‘Bing’ Carranza, at Calapan, Oriental Mindoro Diocesan Social Action Executive Director Fr. Edwin Gariguez, na magbabahagi ng pananaw hinggil sa pagbabagong pangkalikasan, katarungang pangklima, at napapanatiling kaunlaran.

“Let us continue the conversation on taking concrete steps toward genuine sustainable development and ecological integrity, guided by what Laudato Si’ teaches,” dagdag ng Green Convergence at LSM-Pilipinas.

Una nang binigyang-diin ni Pope Francis sa kanyang ensiklikal na Laudato Si’ ang panawagang pangalagaan ang nag-iisang tahanan sa gitna ng lumalalang krisis pangkalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 33,735 total reads

 33,735 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 70,524 total reads

 70,524 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 104,607 total reads

 104,607 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 156,498 total reads

 156,498 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 218,146 total reads

 218,146 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 51,413 total reads

 51,413 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top