Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga pinuno ng bansa, ipinagdarasal ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,024 total views

Nagpaabot ng panalangin si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula para sa pagkakaisa, kapayapaan, at paggabay sa mga pinuno ng bansa sa gitna ng umiiral na tensyon at pagkakahati-hati sa lipunan.

Dalangin ng kardinal na manaig ang katotohanan, paggalang sa batas, at malasakit sa sambayanan sa gitna ng umiinit na mga usaping pampulitika at panlipunan sa bansa.

Liwanagan mo ang isip at puso ng aming mga pinuno, upang manaig ang katotohanan, paggalang sa batas, at tunay na malasakit sa sambayanan,” bahagi ng panalangin ni Cardinal Advincula.

Hinimok din ng arsobispo ang sambayanang Pilipino na pairalin ang pag-unawa, pagkakaisa, at pagsusulong ng kabutihang panlahat kaysa galit at paghihiganti.

Huwag mong hayaang manaig ang galit sa pag-unawa, ang paghihiganti sa pagkakaisa o ang pagkakampihan sa pagsusulong ng tama, makatwiran at ikabubuti ng lahat,” ayon pa sa arsobispo.

Dalangin din ni Cardinal Advincula ang paghilom ng bansa mula sa pagkakawatak-watak at hinimok ang mamamayan na maging mga instrumento ng kapayapaan, katarungan, at pag-asa para sa kapwa.

Hilumin mo ang aming bansa mula sa poot at pagkakawatak-watak,” pahayag ni Cardinal Advincula.

Itinataas din ng kardinal sa pamamatnubay ng Mahal na Birheng Maria bilang Ina ng Bayan at Reyna ng Kapayapaan ang buong bansa upang akayin ang sambayanang Pilipino tungo sa pagkakaisa at pagkakasundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 21,946 total views

 21,946 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 89,434 total views

 89,434 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 110,499 total views

 110,499 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 133,056 total views

 133,056 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 169,105 total views

 169,105 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top