Open-pit mining ng Golden River sa Paracale,Camarines Norte, tinututulan ng UMALPAS KA-Bicol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,416 total reads

Mariing tinutulan ng Ugnayan ng Mamamayan Laban sa Pagmimina at Kumbersyong Agraryo (UMALPAS KA – Bicol) ang planong open-pit mining ng Golden River Mining Corporation sa mga barangay ng Tugos, Tawig, at Casalugan sa Paracale, Camarines Norte.

Ayon sa grupo, hindi ito tunay na kaunlaran kundi isang mapaminsalang operasyon na magdudulot ng malawakang pinsala sa kalikasan, kabuhayan, at komunidad.

“Hindi ito maituturing na tunay na kaunlaran para sa mamamayan, kundi isang malawakang operasyon na sisira ng kalikasan, pangangamkan ng lupa, pag-agaw sa kabuhayan, pandarambong ng natural at mineral resources at paglugmok sa kahirapan ng mga mamamayang apektado at komunidad na matagal nang nakikipaglaban para sa kanilang lupa, karagatan, at kinabukasan,” pahayag ng UMALPAS KA-Bicol.

Target hukayin ng proyekto ang mahigit 321 ektaryang lupain at mag-extract ng tinatayang 780,000 metriko tonelada ng ore kada taon sa loob ng pitong taon.

Babala ng grupo, ang open-pit mining ay magreresulta sa pagkasira ng kabundukan, watershed, at sakahan na kritikal sa suplay ng tubig at kabuhayan ng mga residente.

Iginiit din ng UMALPAS KA – Bicol na mas lalala ang panganib ng pagbaha, landslide, at mga sakit dulot ng polusyon at kontaminasyon ng kapaligiran sa gitna ng krisis sa klima.

“Sa panahon ng lumalalang climate crisis, lalong mapanganib ang malawakang pagkakalbo ng lupa at kabundukan dahil pinapataas nito ang posibilidad ng pagbaha at landslide tuwing may malalakas na pag-ulan at bagyo,” ayon sa grupo.

Nananawagan ang grupo sa lokal at pamahalaang panlalawigan na tuluyang isantabi ang proyekto at itaguyod ang pangangalaga ng kalikasan at karapatan ng mamamayan.

Iginiit pa ng UMALPAS KA-Bicol, ang tunay na kaunlaran ay nakasalalay sa pangangalaga sa likas na yaman at hindi sa mapaminsalang pagmimina para sa tubo ng iilan.

“Pakinggan ang tinig ng mamamayan ng Paracale at buong Camarines Norte. Ang lupa, tubig, kagubatan, at likas na yaman ay hindi simpleng negosyo lamang. Ito ay buhay, kabuhayan, at kinabukasan ng sambayanan,” giit ng grupo.

Nauna nang nagpahayag ng paninindigan si Daet Bishop Herman Abcede, at binigyang-diin na hindi maaaring manahimik o manatiling walang paninindigan ang Simbahan at ang mamamayan sa gitna ng seryosong banta sa kapaligiran at buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 12,422 total reads

 12,422 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 93,664 total reads

 93,664 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 187,889 total reads

 187,889 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 248,379 total reads

 248,379 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 261,662 total reads

 261,662 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 70,224 total reads

 70,224 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top