Kudeta sa Senado, tinawag ni Archbishop Villegas na “shameless exercise of political power

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,516 total reads

Naglabas ng pastoral letter si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas para sa pagdiriwang ng Ascension Sunday ngayong Mayo 17, 2026 na may titulong “Sad and Angry But Brave and Hopeful,” na itinakdang basahin bilang homiliya sa lahat ng misa sa Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan sa nasabing araw.

Sa kanyang liham pastoral, nagpahayag si Archbishop Villegas ng matinding pagkadismaya at pagkabahala sa lumalalang korapsyon, pagkawala ng moralidad sa pamahalaan, at paggamit ng kapangyarihang pampulitika para sa pansariling interes.

“We mourn the worsening problem of corruption of people’s money. We keep hoping to get out of the quicksand of corruption, but we just keep getting deeper into the pit,” Bahagi ng mensahe ni Archbishop Villegas.

Tinukoy rin ni Archbishop Villegas ang tinagurian nitong “shameless exercise of political power” kasunod ng mga naganap na kaguluhan at tensyon sa Senado kaugnay ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

“It is confusing. It is unbelievable. It is pathetic. It is disgusting. It is shameless. How did we reach this low level of public service?” Dagdag pa ni Archbishop Villegas.

Kasabay nito, hinamon naman ni Archbishop Villegas ang mamamayan na kilalanin ang kanilang pananagutan sa pagpili ng mga pinunong inihahalal sa pamahalaan.

“Our hands are bloodstained because our hands voted for such corrupt criminals into office. We are not innocent,” Ayon pa kay Archbishop Villegas.

Hinimok din ng Arsobispo ang mga mananampalataya na gamitin ang kanilang mga “kamay” sa panalangin, protesta, at pagsusulong ng legal na paraan upang maisulong ang pagbabago sa lipunan.

“Use your hands to PROTEST. In today’s rampant deceit and abuse of power, neutrality has become a mask for cowardice,” Panawagan ni Archbishop Villegas.

Binigyang-diin din ng Arsobispo ang kahalagahan ng pagiging mapanuri ng mga botante at ang paggamit ng karapatang bumoto upang papanagutin ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

“Reject the corrupt in the next elections. Review and evaluate their records of public service. Your vote is your power,” Paalala ng Arsobispo.

Samantala muli ring nanawagan si Archbishop Villegas ng pagkakaisa at paninindigan ng sambayanang Pilipino para sa katotohanan at kabutihang panlahat.

Giit ng Arsobispo, hindi dapat manaig at maging hadlang ang pagkakaiba ng papanaw o posisyong pampulitika ng bawat isa sa pagiging isang mabuti at responsableng kasapi ng lipunan na naninindigan para sa kabutihan at tunay na pag-unlad ng sambayanan.

“Walang DDS or pinklawan. Walang Ilocano o Bisaya. Lahat tayo para lamang sa Diyos at sa bayan,” Ayon kay Archbishop Villegas.

Screenshot

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 55,182 total reads

 55,182 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 151,643 total reads

 151,643 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 195,912 total reads

 195,912 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 219,021 total reads

 219,021 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 291,690 total reads

 291,690 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top