Gamitin ang modern technology sa katotohanan at paggalang sa dignidad ng tao, Cardinal Advincula sa media practitioners

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,139 total reads

Hinimok ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mamamahayag, content creators, at media practitioners na gamitin ang makabagong teknolohiya bilang kasangkapan sa katotohanan, paggalang sa dignidad ng tao, at
pagpapalaganap ng pag-asa sa gitna ng lumalawak na impluwensya ng digital communication sa lipunan.

Ito ang mensahe ng cardinal kasabay ng paggunita ng Simbahan sa ika-60 World Day of Social Communications kung saan nakikiisa ito sa panawagan ni Pope Leo XIV para sa makatao at makabuluhang komunikasyon.

Ayon kay Cardinal Advincula, malaki ang epekto ng teknolohiya sa paghubog ng pampublikong diskurso, ugnayan ng mamamayan, at maging sa pagpapahalaga ng kabataan, kaya’t mahalagang gamitin ito upang mapalalim ang pagkakaisa
at pag-asa.

“In our Philippine context, where the use of modern technology greatly shapes public discourse, relationships, and even the values of our young people, we are reminded of the urgent responsibility to use communication as a bridge toward
understanding, solidarity, and hope,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radyo Veritas.

Hinimok ng arsobispo ang mga Catholic media practitioners at church media ministers na maging huwaran sa responsable at etikal na paggamit ng teknolohiya.

“Church media ministers and Catholic media practitioners are called in a special way to give witness and example in the wise, ethical, and creative use of these technologies, placing them always at the service of truth, human dignity, and the
common good,” ayon sa kardinal.

Binigyang-diin din ni Cardinal Advincula na mahalagang maging daluyan ng katotohanan, malasakit, at pag-asa ang media lalo na sa gitna ng paglaganap ng misinformation at online hostility.

“Now, more than ever, we are called to harness the gift of communication by offering the gift of our genuine human presence, marked by closeness, empathy, and a sincere concern for one another. Amid the noise of misinformation, online
hostility, and indifference to the poor and vulnerable, may we become communicators who listen with the heart and speak with charity,” giit ni Cardinal Advincula.

Hinimok rin ng kardinal ang mga mamamahayag at digital communicators na gawing daluyan ng katotohanan at Mabuting Balita ang kanilang mga plataporma.

“Let our platforms become spaces where truth is defended, human dignity is respected, and the Gospel is proclaimed with humility, sincerity and courage,” saad ni Cardinal Advincula.

Ang World Day of Social Communications ay itinatag ni Pope Paul VI matapos ang Second Vatican Council bilang pagkilala ng Simbahan sa mahalagang papel ng media at komunikasyon sa pagpapalaganap ng katotohanan at Ebanghelyo.

Unang ipinagdiwang ang okasyon noong 1967 at karaniwang ginugunita tuwing Linggo bago ang Pentecost Sunday.

Muling ipinagkatiwala ni Cardinal Advincula sa Mahal na Birheng Maria ang lahat ng mga tagapaghatid ng balita at mensahe upang manaig ang katotohanan, kababaang-loob, at malasakit sa pakikipag-ugnayan sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 12,294 total reads

 12,294 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 93,540 total reads

 93,540 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 187,765 total reads

 187,765 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 248,255 total reads

 248,255 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 261,548 total reads

 261,548 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 35,509 total reads

 35,509 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top