Pagpalya ng transmission line ng NGCP, iimbestigahan sa Kamara

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,484 total reads

Paiimbestigahan sa Kamara ang magkasunod na pagpalya ng mga transmission line ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na nagdulot ng red at yellow alerts sa Luzon at Visayas grids noong Mayo 13.

Sa inihaing House Resolution 1024 nina House Speaker Faustino Dy III at Senior Deputy Speaker Ferdinand Hernandez, nais siyasatin ng mga mambabatas ang pag-trip ng Tayabas-Ilijan at Dasmariñas-Ilijan transmission lines na naging sanhi ng pagkawala ng mahigit 2,400 megawatts ng kuryente.

“The back-to-back tripping of these major transmission lines exposed serious weaknesses in the reliability and resilience of our power grid. Kailangang malaman ng taumbayan kung ano talaga ang nangyari at kung may kapabayaan ba sa maintenance, monitoring, at compliance sa ating grid standards,” ayon kay Dy.

Dahil sa insidente, nagpatupad ang NGCP ng manual load dropping na nakaapekto sa tinatayang 3.9 milyong consumers sa Metro Manila, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Ayon sa resolusyon, kailangang malaman kung dulot ng force majeure o may pagkukulang sa maintenance at operasyon ng transmission system ang nangyaring malawakang power disruption.

Sisiyasatin din ng Kamara ang kabiguan ng NGCP na agad iulat ang insidente sa Department of Energy at Energy Regulatory Commission alinsunod sa itinakdang protocol.

Dagdag pa ng mambabatas, “This inquiry is not just about assigning accountability. It is about protecting consumers, strengthening our energy security, and ensuring that the country’s transmission backbone is capable of supporting economic growth and national development.”

Kasama rin sa titingnan ng Kongreso ang posibleng kahinaan sa maintenance, protection systems, at contingency measures ng national grid kasunod ng magkakasunod na transmission failures.

Layunin ng imbestigasyon na matukoy ang dahilan ng insidente at maiwasan ang pag-ulit ng malawakang brownout na nakaapekto sa milyun-milyong consumers.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 22,580 total reads

 22,580 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 59,981 total reads

 59,981 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 78,192 total reads

 78,192 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 162,520 total reads

 162,520 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 198,831 total reads

 198,831 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top