Gawing sentro ng ebanghelisasyon ang sariling pamayanan, Cardinal Advincula sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,662 total reads

Hinimok ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang mga mananampalataya na gawing sentro ng misyon at ebanghelisasyon ang kanilang sariling pamayanan sa gitna ng mga sugat at mga hamong kinakaharap ng lipunan.

Ito ang mensahe ng Cardinal sa pagdiriwang ng ika-10 na kapistahan ng San Felipe Neri Parish sa Taytay, Rizal kung saan binigyang-diin nito ang halimbawa ni San Felipe Neri bilang “Apostol ng Roma” na naglingkod sa sariling bayan upang maging daluyan ng espiritwal na pagbabago.

Ayon kay Cardinal Advincula, hindi kinakailangang lumayo upang maging tunay na misyonero ng Simbahan.

“Hindi natin kailangang lumayo upang maging misyonero. Ang ating tahanan, pamayanan, simbahan, at lipunan ay hitik sa mga pusong sugatan, nawawalan ng pag-asa, at naghahanap ng liwanag ni Kristo,” ayon sa pagninilay ni Cardinal Advincula.

Binigyang-diin din nito na sa gitna ng mga suliranin sa bansa at daigdig ay mahalagang maging saksi ang bawat Kristiyano ng pagkakaisa, paghilom, at muling pagsilang ng pananampalataya.

“Sa gitna ng mga pagsubok at nakalulungkot na pangyayari sa ating bansa at mundo, tayo’y tinatawagan na maging mga saksing paghilom, pagkakaisa, at muling pagsilang ng pananampalataya,” dagdag pa ni Cardinal Advincula.

Paalala rin ng arsobispo na hindi kinakailangang maging tanyag o makapangyarihan upang maipahayag ang Mabuting Balita, kundi maisabuhay ito sa pamamagitan ng simpleng kabutihan at paglilingkod sa kapwa.

“Sa simpleng kabutihan, tapat na pakikipagkapwa, at masayang paglilingkod sa araw-araw, maaari nating ihatid ang liwanag ni Kristo sa iba,” ani ng kardinal.

Samantala, ibinahagi naman ni Fr. Michael Jayson Abao, SC, kura paroko ng San Felipe Neri Parish, ang pasasalamat ng pamayanan sa biyaya ng Diyos sa loob ng sampung taon ng pagiging ganap na parokya.

“Ang aming pong parokya ay ipinagdiriwang ngayon ang ikasampung kapistahan kasi sampung taon na ang aming parokya,” pahayag ni Fr. Abao sa Radyo Veritas.

Hinimok din ng pari ang mga mananampalataya na tularan si San Felipe Neri bilang patron ng kagalakan at pag-asa sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

“Kahit na may mga pagsubok, kahit na may mga problema, kahit na may pinagdaanan, matuto rin sana tayong maging masaya,” saad ng pari.

Ang San Felipe Neri Parish sa Taytay, Rizal ay patuloy na nagsisilbing sentro ng pananampalataya at pagmimisyon sa pamayanan sa inspirasyon ng kanilang patron na kilala bilang banal ng kagalakan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 14,941 total reads

 14,941 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 53,043 total reads

 53,043 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 71,253 total reads

 71,253 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 155,582 total reads

 155,582 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 192,244 total reads

 192,244 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 1,980 total reads

 1,980 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top