Tahimik pero Naninindigan campaign,inilunsad ng Diocese of Kalookan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 136 total views

Naglunsad ang Diocese of Kalookan – Public and Political Affairs Ministry (DPPAM) ng isang communication campaign upang hikayatin ang mas aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa usapin ng kalikasan, mabuting pamamahala, at pananagutang pangkomunidad sa mga lungsod ng Malabon, Navotas, at Caloocan.

Sa ilalim ng kampanyang “Tahimik pero Naninindigan,” binigyang-diin ng DPPAM ang kahalagahan ng disiplina, pakikilahok, at malasakit ng mamamayan sa mga usaping direktang nakaaapekto sa mga pamayanan tulad ng basura, pagbaha, tubig, baybayin, at mga proyektong pang-imprastraktura.

“Basura natin, pananagutan natin… Ang malinis na komunidad ay nagsisimula sa disiplina ng bawat tahanan,” pahayag ng DPPAM.

Ayon sa ministry, nagsisimula sa wastong paghihiwalay ng basura, pagbabawas ng paggamit ng single-use plastics, at pakikiisa sa mga programa ng barangay ang pagpapanatili ng kalinisan sa komunidad.

Hinimok din nito ang publiko na suportahan ang mga zero-waste program at aktibong makilahok sa clean-up drive at environmental information campaigns.

Kaugnay naman ng usapin sa tubig, pinaalalahanan ng DPPAM ang publiko sa kahalagahan ng pagtitipid at wastong paggamit ng tubig bilang bahagi ng malasakit sa kapwa at sa kinabukasan.

“Bawat patak ay mahalaga… Ang pangangalaga sa tubig ay hindi lamang praktikal na gawain kundi pananagutang panlipunan,” ayon sa grupo.

Tinalakay rin sa kampanya ang patuloy na suliranin sa pagbaha sa Malabon, Navotas, at Caloocan kung saan iginiit ng ministry na hindi dapat ituring na normal ang madalas na pagbaha sa mga komunidad.

“Malinis na kanal. Maayos na daluyan. Handa ang komunidad. Ang kaligtasan ay pinaghahandaan, hindi hinihintay,” ayon pa sa DPPAM.

Kaugnay nito, hinikayat ng DPPAM ang mga residente na i-report ang mga baradong drainage at iligal na pagtatapon ng basura, alamin ang flood-prone areas at evacuation plans, at makilahok sa preparedness at clean-up activities.

Gayundin din ang kahalagahan ng pangangalaga sa baybayin at yamang-dagat sa gitna ng mga proyektong may epekto sa kabuhayan at kalikasan.

“Ang baybayin ay hindi lamang espasyo para sa proyekto. Ito ay pinagkukunan ng kabuhayan, proteksiyon ng komunidad, at bahagi ng likas na yaman,” saad ng ministry.

Nanawagan naman ang DPPAM sa mga mamamayan na maging mapanuri at makilahok sa pagbabantay sa mga flood control, drainage, road repair, at iba pang local infrastructure projects upang matiyak ang maayos na serbisyo at pananagutan ng mga kinauukulan.

“Ang tahimik ngunit mapanuring mamamayan ay mahalagang katuwang sa mabuting pamamahala,” dagdag pa nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 28,583 total views

 28,583 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 202,517 total views

 202,517 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 180,150 total views

 180,150 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 243,233 total views

 243,233 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 260,916 total views

 260,916 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top