LLSP,nagbabala laban sa mga manloloko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,515 total reads

Nanawagan si Living Laudato Si’ Philippines executive director Rodne Galicha sa publiko na maging mapanuri bago makibahagi, sumuporta, magbigay ng donasyon, o kumatawan sa anumang grupong nagpapakilalang opisyal na “Climate Change Task Force” na konektado sa Climate Change Commission (CCC) at Office of the President.

Ayon kay Galicha, mahalagang tiyakin muna kung may sapat na legal na batayan at opisyal na pagkilala ang naturang organisasyon upang maiwasan ang pagkalito at posibleng maling paggamit ng pangalan ng pamahalaan.

“Climate action is too important to be clouded by confusion, unauthorized representation, or possible misuse of government branding,” pahayag ni Galicha.

Sinabi nito na batay sa mga pampublikong impormasyon, wala pang malinaw na Executive Order, Administrative Order, Memorandum Circular, o opisyal na CCC En Banc Resolution na hayagang lumilikha o nagbibigay ng mandato sa naturang national task force.

Iginiit ni Galicha na ang lehitimong climate governance ay dapat na transparent, may pananagutan, nakabatay sa batas, at may malinaw na mandato.

“We urge all concerned agencies, including the Climate Change Commission and the Office of the President, to clarify the official status, mandate, and authority of this organization to avoid misleading the public,” dagdag pa nito.

Hinimok din ni Galicha ang publiko, kabilang ang mga mag-aaral, volunteers, local government units, non-government organizations, at mga pamayanan na laging tiyakin ang mga opisyal na dokumento at kautusan bago makiisa sa anumang climate-related organization.

“Always verify. Always ask for official issuances. Public trust matters,” ayon kay Galicha.

Nauna rito, napaulat ang ilang oath-taking at volunteer recruitment activities na iniuugnay sa CCC kaugnay ng tinatawag na Climate Change Task Force, ngunit nananatiling usapin ang opisyal na mandato at legal na batayan nito.

Binigyang-diin sa Laudato Si’ ni Pope Francis na mahalagang nakabatay sa katotohanan, pananagutan, at malasakit sa mamamayan ang bawat hakbang sa pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng mga hakbang para tugunan ang umiiral na krisis sa klima.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 18,179 total reads

 18,179 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 104,019 total reads

 104,019 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 141,391 total reads

 141,391 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 172,651 total reads

 172,651 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 244,668 total reads

 244,668 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 77,762 total reads

 77,762 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top