Mary is our mother, she is our Queen-Papal Nuncio sa pontifical coronation ng Our Lady of Fatima

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,236 total views

Hinimok ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, ang mga mananampalataya na higit pang magtiwala sa maka-inang pagkalinga ng Mahal na Birheng Maria.

Ito ang mensahe ng nuncio sa isinagawang Pontifical Coronation ng imahe ng Our Lady of Fatima sa Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Fatima sa Urduja, Caloocan City noong May 29.

Sa kanyang homiliya, binigyang-diin ng kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas ang mahalagang papel ni Maria bilang ina at tagapagtanggol ng Simbahan laban sa mga kasamaan.

“Mary is our mother. She is our queen. She is the one who protects us against the dragon, against the serpent,” ayon kay Archbishop Brown.

Paliwanag ng nuncio na ang pagpuputong ng korona sa Mahal na Birhen ay tanda ng pagmamahal at debosyon ng mga mananampalataya sa Ina ng Diyos na patuloy na gumagabay at nag-aaruga sa kanyang mga anak.

“What is a pontifical coronation? It’s we, the children of Mary, giving her a sign of our love,” dagdag pa ng nuncio.

Samantala, ayon naman kay shrine rector at parish priest, Fr. Aristeo de Leon, inaasahang magbubunga ang makasaysayang pagkilala ng higit na paglago ng debosyon sa Mahal na Birhen ng Fatima hindi lamang sa North Caloocan kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Inaasahan na mas lalalim pa at mas mararamdaman ang pag-ibig at inspirasyon ng Mahal na Birhen ng Fatima, hindi lang dito sa Urduja, kundi sa buong Diocese of Novaliches, sa buong Pilipinas, at sa lahat ng nagmamahal kay Maria,” pahayag ni Fr. de Leon sa Radyo Veritas.

Ayon sa pari, ang pontifical coronation ay hindi lamang parangal sa Mahal na Birhen kundi paanyaya rin sa mga mananampalataya na higit na mailuklok si Hesus sa kanilang mga puso.

“Ito po ay isang karangalan na, sa pamamagitan ng pagkukuronang ito, ay makuronahan din ang kanyang Anak na si Jesus sa ating puso,” ani Fr. de Leon.

Ito na ang ika-63 na imahe na ginawaran ng pontifical coronation ng Vatican sa Pilipinas.

Katuwang ng nuncio sa pagdiriwang sina Novaliches Bishop Roberto Gaa, mga Bishop Emeritus na sina Bishop Antonio Tobias at Bishop Teodoro Bacani Jr., at mga pari ng diyosesis.

Matatandaang noong July 30, 2025, pormal na idineklara ng Caloocan City Council ang imahe ng Mahal na Birhen ng Fatima sa Urduja bilang “Queen and Mother of North Caloocan,” bilang pagkilala sa malalim at matatag na debosyon ng mga mananampalataya sa lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 4,752 total views

 4,752 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 79,366 total views

 79,366 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 159,445 total views

 159,445 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 202,584 total views

 202,584 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 203,443 total views

 203,443 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top